Stress sa kapatid
Hello mga mommy. Makikirant lang sana at hingi ng advice. FTM po ako and mula umpisa ng pagbuntis ay sa manila ako nakatira kasama si LIP. Lahat rin ng prenatal check ups ko ay sa manila. Pero napagdesisyonan namin na sa province ako manganak dahil wala naman kami makakatulong na dalawa pag nanganak ako. Umuwi po akong province nong 35 weeks na and due ko na sa Dec 21 (2days from now). Umuuwi naman si LIP every now and then lalo pag wala syang pasok. Kaya wala naman kaso. Ang problema ko lang is meron akong bwisit na kapatid sa bahay. Na paborito ng mommy ko. Last dec 16 ay nastress akong todo sa kanya na nagfall ang mucus plug ko. Then today dec 19 ay nagkadischarge na naman ako dahil na naman sa bwisit. Ayaw ko na sanang dito manganak sa bahay dahil doon. Pakiramdam ko ay mabibinat ako pagkapanganak ko kung dito ako. Inalok na ako ni LIP na sa manila na lang manganak kung kaya ko naman pero naaawa kasi ako. Alam na alam ko na na mahihirapan sya sa amin ni baby lalo kung wala kaming makakatulong. Pero yung nanay ko kasi panay pamuka sa akin na mangangailangan ako sa kanila pag nanganak. Diko alam kung uunahin ko ba sanity ko o susugal sa pedeng maging epekto sakin ng panganganak sa ganitong environment. Help po please. Thank you. #firsttimemom #firstmom