frustrated. HELP.

Mga mommy, magopen up lang ko dito ah. Hindi ko na kasi alam gagawin ko. Im a new mom, syempre may mga matatanda tayong nagtuturo saten tulad ng lola at nanay. Kaso di ko alam kung anong susundin ko tulad ng wag daw paliguan ang sanggol ng isang linggo hanggat di natatanggal ang pusod, e ang sabi sa ospital paliguan daw agad. Wag ko daw sundin yun, ginawa ko nga tapos nagkaroon ng rashes si baby, bakit ko daw hindi nililinis si baby kaya daw nagkaroon. Hays. Tapos yung sa bigkis sabi ang bilin saken ng ospital wag lagyan pinapagalitan ako, kaya nilagyan nila. Tapos ngayong meron, nangamoy yung pusod habang malapit na matanggal. Sabi saken bakit di ko daw kasi nilagyan ng maaga. E okay naman yung pusod ni baby nung wala e. Wala namang ganun nangyari nung di ko nilalagyan. NAIIYAK NA KO MGA MOMMY KASI HINDI KO NA ALAM KUNG SINONG SUSUNDIN KO. GUSTO KONG MAGING HEALTHY SI BABY PERO PARANG MAS MARUNONG PA SILA TAPOS ISISISI SAKEN KAPAG MAY NANGYARI. PENGE NAMAN AKONG PAYO MGA MOMMY.

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Salamat sa inyo mga mommy! Tomorrow need ko dalhin si Baby sa pedia nya kasi nagkarashes na siya and nangangamoy na yung pusod nya. Natatakot ngayon yung mom ko bakit daw nangamoy dahil binigkisan at nabasa ng ihi. Wish us luck mga mommy! Thank you sa mga advices nyo. ❤❤💘 i'll be strong from now on!

Magbasa pa
VIP Member

Naku mommy, sakin d uubra yang mga sinasabi nila na dapat ganito, dapat ganyan. Ako ang nanay, ako ang masusunod kung anu gagawin ko. Ung 6days bago paliguan, ikaw kaya d maligo ng 6days kaya mo kaya 😅 sa bigkis naman d ko binigkisan baby ko 4days lang taggal na ang pusod, nasa paglilinis kc yan 😊

Mamsh your child your rules ako d ko dn sinunod mga pamahiin na yan baby oil d ako naglagay sa baby nya pag naliligo kahit yang bigkis d ako gumamit nyan anak mo yan kya ikaw masunod kng ano ung mas alm na dpat mo sundin dun ka ako lagi babase tlga sa ospital ksi sla nman mas nakakaalam nyan

VIP Member

2nd day p lng s hosp si baby, pinaliguan n agad at tnuruan kmi paano magpaligo. Mas prone po s bacteria pag hnd napaliguan. Pro dpt po ikaw ang mssunod sa anak mo. Hnd porket may experience n sila s bata, alam n nila lahat. Kwawa nmn ang bata, sya nag susuffer dhil s maling decision making.

Ganyan talaga, first time mom also here. naiyak din ako before. Sinabihan at kinausap ko sila bakit ganyan sila e ako ang ina, meron sila suggestion however you need to follow your doctor. Umiiyak pa ako kausap ko sila. Ngayon decision ko na. Kausapin mo sila mommy. ❤️

Mommy your baby your rules. Daming pamahiin dito sa amin ni isa wala akong sinunod. Except sa pagligo kasi mama ko nagpaligo hanggang 3 months siya kasi natatakot ako at after a week din muna siya naligo kasi natatakot din mama ko sa pusod na mabasa kaya hinintay muna na matanggal.

un hospital po sundin nyu. d aq naniniwala sa pamahiin na yan 🙄 un maid nga dto nla hubby e glng probinsya dme dn sinasabi na pamahiin skn. d q sinusunod lol.. aun ngng ok naman pusod ni baby na walang bigkis at dpt lg tlga pligo.an si baby everyday pra fresh and clean sila

ganyan din mga tita ko at lola ko . daming pamahiin di ko alam kung ano ba gagawin tulad ng bawal maligo si lo ko ng Tuesday at friday baka daw abutin ng sakit . tapos wag isama sa kumot si baby para di maging habulin sayo . madami pang ibang pamahiin oo na lang ako ng oo .

Your child, your rules. Pag pinagalitan ka, tell them na kakasunod mo sa kanila and going against medical advice eh napapasama lang si baby para marealize nila ano mga mali. Explain mo ng maayos or better, ipakausap mo sila sa OB/pedia para malaman nila ano tama sa mali.

Same po tayo :( Ultimo pag papaligo sa baby ko hindi ko magawa, gusto ni MIL ko sya nagpapaligo. Tas every other day lang nya pinapaliguan. Tas andaming bawal. Feel ko tuloy di ko nagagawa tungkulin ko sa baby ko as a mom. :( Apahirap palang nakikisama sa bahay.

5y ago

Ang hirap di ba mommy, di mo nagagawa gusto mong gawin sa baby mo. :( Lahat may control.