Ubo kay 1 month old baby

Mga mommy, i need your help and advices! Bali kasi itong si LO ay nagkasipon noong newborn siya, nahawa rin kasi siya sakin na may ubo at sipon noong September. Si baby ay nagkasipon non pero hinigop at tinayaga ko sa salinase drop 3x a day tapos nawala rin naman, wala ring tunog plema kapag hihinga or umiiyak si baby. Ngayon naman, wala naman akong sakit pero si baby nagkaubo. Siguro dahil na rin ito sa panahon ngayon kahit hindi naman naeexpose si baby. Hindi ko alam gagawin sa ubo niya. Hindi rin makapunta sa pedia dahil malayo at kung sa hospital naman umaabot ng hapon o pacut-off ang hospital noong huling punta namin tapos ang layo pa ng number line kahit maaga nakapunta. Ulan pa ng ulan ngayon. Kaya sana kahit yung advices ninyo para sa may Ubo. Bali si baby ay hindi naman madalas ubuhin. Normal lang masamid dahil ang dami niyang nadede sa sus0 ko. Pag gising ni baby madalas ay umuubo siya dalawa o tatlo tapos mamaya ulit mga pagabi na. Salamat sa help ninyo at kung sesermunan nyo man ako ay gets ko. #firstTime_mom #littleone

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

cetirizine drops mi, pwede kasi yan pag may sipon or makati lalamunan kaya napapa ubo.. pang agap din yan para di lumala ang sipon or ubo. pero kung ung ubo nya ay may kasama ng plema, bigyan mo na ng ambroxol tas citirizine para hindi ihipin ng ubo sa gabi.. ganyan lagi reseta samin pag pinapa check up namin mga baby namin nun... pero consult mo muna din mi sa pedia para sure at para macheck ung paghinga ng baby mo.

Magbasa pa

oregano po mi try niyo po. Sapaw niyo po sa kanin then yung katas po nun ipainom niyo kay baby. Ganyan po ginagawa ko sa mga babies ko simula panganay hanggang dito sa pangalawa 1 month old din siya nagkasipon nahawa sa amin. Then nubg gumaling ubo naman.