HEADACHE
May mga mommy din po ba dito na laging masakit ulo? Halos araw araw sumasakit ulo ko, sa sobrang di ko na matiis halos araw araw na din akong nag bi-biogesic. Pero ngayon parang di na umeepekto sakin, di na nawawala masyado sakit. :(
Nung nasa 4 months po ako gnyan dn ako konting galaw sakit ng ulo prang binibiyak po now im 20 weeks 3days po medyo mdalng nlng po sumsakit ng ulo peo ang kapalit ung balakang kO sobrang sakit po maiiyak nlng ako sa sakit
Dahil sa sobrang init siguro. Kahit yung tipong nakatutok na sayo ang electric fan, pawisan ka pa din. Left side ng ulo ang nasakit saken. Pinapahiran na lang ni lola yung ulo ko ng katinko and lagi po akong may tubig na katabe
Ako po ganyan din pero tiis ako sa pagpahid ng vicks sa sentido ko 😅..di po talaga ako umiinom ng kahit na anong gamot sa takot baka may mangyari kay bibi, sabi naman daw po safe ang biogesic.
Hello ma! Maglalambing lang po. Pakivisit naman po profile ko tapos paki LIKE naman po yung photo na naupload ko po. Thank you po🥰
Normal lng yta yn kc 1st trimester q lagi dn msakit ulo q halos araw araw dn, pero pg patak ng 2nd tri nwala n sakit ng ulo.. Inom ka lng lagi ng tubig. Wag ka uminom lgi ng biogesic.
..lagi din po masakit ang ulo ko.. ..pero may nabasa po ako article na warm water lang po at wag iinom ng cold water lalo ngaun mainit po panahon lagi po iinom ng warm water..
Sakin dati gnyan then sabi ng ob ku minsan dw kaya sumasakit ang ulo nati is tumataas ang dugo natin so better check ur bp pra malamn mu if stable ang bp mu
normal lang po yan.try to relax po and wag magpaka stress nagiging immune na sa biogesic yung katwan mo sis parang nagkakaron na ng resistance
Hi mommy. Preggy po b? Drink plenty of water na rin. Try to have healthy and positive environment as well. Tama lang ba ang pagtulog niyo mommy?
Ganiyan talaha momsh kapag 1st and 3rd trimester. Kaya bilib talaga ko sa mga babaeng buntis. 😭😊 Kaya mo iyan momsh. Pahinga lang. Ingat always. 😊
Ganyan din ako nung nasa 1st tri palang ako ng pagbubuntis. Normal nalang ata talaga. Inom nalang ng madaming water.
Wag inom ng inom ng biogesic ma. Mas better inom ng madaming tubig tapos wag muna siguro masyado sa gadgets...
Water theraphy ma. Mas maigi pa.
Mama bear of 1 pretty baby