Listahan ng dapat bilihin sa newborn baby
mga mommy baka may listahan kayo ng mga dapat bilihin kay baby, first time mom po kasi ako di ko pa po masyado alam mga kailangan nya, bukod sa gatas damit, diaper, vitamins, crib at duyan.. baka may masusuggest po kayo, malaking tulong na po yan para makapag ready na din ako at makabili paunti unti#firstbaby #pregnancy
Hi mommy, may mga lists po ang mga moms sa fb. :) Doon po pwede kayo mag search lang and lalabas naman po doon. Check niyo lang po kung ano ang advisable sa inyo. Actually yung vitamins, hindi pa po yan urgent need. Kasi ang baby po kapag breastfed, hindi po inaadvise ng pedia na bigyan ng vitamins until 6 mos. Pati po yung gatas, kasi nirereseta po yan ng pedia sa hospital pero yan ay kung talagang wala kayong makuhaan ng breastmilk. Bawal po kasi sa ospital ang formula milk. Newborn clothes sets (long sleeves, short sleaves, pajamas, booties or socks, mittens, bonnet) Receiving blanket Bath towel na absorbent Diaper changing pad Baby wipes Bulak Alcohol Baby bath, baby oil (50ml lang muna kasi baka hindi mahiyang si baby) Lampin (as diaper or pamunas magagamit mo any way) Thermometer to check baby's temp once in a while kasi imomonitor mo kung tama ang temperature niya palagi Rash cream pang emergency kung hindi mahiyang si baby sa diaper niya and good din for red spots sa skin kung may lumabas na rashes Yung iba mi, mababasa mo sa mga mom groups on FB. :) Hindi mo naman susundin lahat for sure, basta piliin mo lang yung tingin mo kailangan niyo. :)
Magbasa paAs a 2nd time mom ito po akin π€ baru-baruan( long sleeve, t-shirt,sando) pajama short mittins boots bonet bigkis sa mga damit konti lang po binili ko kasi mabilis sila lumaki tag 7pcs. each laba laba nalang po hehe receiving blanket lampin( as a pamunas maganda kasi tela hehe) higaan(pillows&bed) baby bath baby oil cotton cotton buds Manzanilla (oil for kabag) wipes alcohol diaper bathtub ni baby(kung may budjet kung wala pwede na planggana hehe) twalya ni baby. kumot ni baby.
Magbasa paMga gamit pampaligo like top to toe wash saka planggana if wala pang availble jan sa inyo. Wag ka na bumili nung tub, mabilis lang nya kakalakhan. Planggana or batya is okay na. Wag din pala kalimuta yung cotton buds na pang baby β¨