Ganyan din ako momshie. Pag 1-2cm wala pa talagang pain. Pag nag4cm ka na may pain ka na mararamdaman. Yung feeling na para kang matatae na rereglahin masakit puson at balakang na iniinda mo na yung pain. Saka ka magpunta hospital kasi for sure active labor ka na nun. Ganun ako kahapon eh. Kagabi ganyan na feeling ko kaya nagpadala nako sa hospital,pagkaIE sakin 4cm na. Kaya inadmit nako agad. Eto nakapnganak na kanina lang umaga. Awa ng dyos nakaraos kahit dpa full term si baby,di na siya inincubator kasi healthy naman siya😊35weeks pa lang siya.
40 weeks and 2days na po ako ngayon tas kahapon po nananakit puson ko at umaabot yung sakit ng seconds hanggang 1min tas mawawala tas after 3 to 5 mins babalik na nmn yung sakit tas kinagabihan 3 to 2 mins nlang yung interval tas nilabasan narn ako nang prang sipon kasama ng dugo ko pro kaya kpa nmn yung sakit hanggang sa nakatulog ako tas ngayon pasulpot sulpot nlang yung sakit ng puson.