Pa Advice pls.

Hello mga mommy, ask ko lang po. Sino po ba dapat ang mag Adjust? Ang Muslim po na Gf ng kuya ko o ang pamilya ko po pag dating dito sa bahay? Like sa pagkain. Double po ang gastos ng mama ko simula nung dumating po siya samin ang mama ko po ang nagpapakain kahit may work naman po ang kuya ko, hindi po nag aabot ang kuya ko kahit pambili ng ulam at minsan po bumibili sila tapos itatago sa kwarto. Hindi rin po kumakain ng gulay si ate girl at piling pili lang po, nahihirapan nga po mama ko kung ano po papaulamin embes po na makatipid po kami lalo pong nagagastusan at sa mantika din po dapat laging bago ang mantika kasi daw baka may nalutuan doon na baboy, tapos magagalit pa kuya ko pag hindi nila gusto ang ulam. #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sad naman po ito😔 for me may mali ang Kuya u po. Sya ung dapat na magbigay lalo na mag kakasama kau sa isang bahay tama po diba? And ang pangit talaga po nung sila bumibili ng food bago itatago big NO NO NO po yan😔🤦🏼‍♀️

8mo ago

Nagloan po ang kuya ko para bumili ng bahay, wala papo sila ng GF niya nun kasi noon po nangungupahan lang po kami at baon sa utang ang mama at papa ko, pero yung bahay po na nabili po nila ay pinangalan sa kuya ko kahit para sa buong pamilya po namin yun para maka ahon sa hirap pero biglang dumating po si ate girl at sumama na sa kuya ko dito sa bahay at di na umuwi sa kabila, sabi ni ate girl sakin di daw siya pinapayagan na summa sa ibang lalaki kasi nga mahigpit magulang niya pero napansin ko po na di na siya umuwi at parang naghari harian na dito sa bahay simula nung nalaman niyang sa kuya ko nakapangalan ang bahay at lalo pong humirap ang buhay namin, napagastos po lalo ang magulang ko.