moody

mga mommy ask ko lang nung nagbubuntis din ba kayo sobra pagkamoody nyo? ako kasi grabe :( naaawa nko sa mister ko pinipilit ko namang pigilan pero ayaw tlga :( nagaaway na dn kmi dhil lagi ako galit konting kibot galit na :( pasensya na po wala lng po makausap. ano po ba pwede kong gawin maiwasan manlng po pagiging moody? first time ko din pong mabuntis.

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako nung mga 1-3mos na pag bubuntis ko halos lahat na din ng mura nasabi ko sa sobrang pag ka moody ko lalo na konting mali nya nag iinit ulo ko pero ngyn nilawakan ko dn isip ko na baka dumating s point na iwan nya ko kahit nag bubuntis pa ko para mawala kahit papaano pagka bwiset ko sakanya iniisip ko nalang nung mga bago bago palang na maging mag partner kami ung mga bagay na pagpapakilig nya sakin mga effort nya ganon isipin mo nalang dn si baby para mabawasan pag ka stress mo

Magbasa pa
4y ago

Mag 5mos na rin ako HAHAHA basta sis pag alam mong nagsusungit nalang sya lambingin mo nalang o kaya biruin mo ung alam mong makakapag pangiti din saknya kasi kawawa din si baby db pag na stress tayo kung responsible naman si partner unawain nyo nalang isat isa

VIP Member

Ako sobra din. Sabi nila pinaglilihian ko daw siya. May times nga na pag madaldal siya pinapalayas ko siya sa bahay. Pag wala siya sa bahay todo ang iyak ko. Tapos gusto ko kahit anong ulam need niya himayin para lang makain ko.😂😂😂 Buti na lang understanding siya ng sobra. Kahit minsan aminado ako na umiiyak na lang siya. ❤😭

Magbasa pa
VIP Member

Mommy, wala ka pong magagawa sa pagiging moody, lalo na ngayong buntis ka dahil kagagawan ng hormones natin yan. Kailangan po talaga habaan ni hubby ang pasensya. Dahil need din natin ngayon ang emotional support. Ganyan din ako ngayon, kahit makatabi lang yung partner ko, naiirita na agad ako.

4y ago

thank you mommy. ganyan naman din po ginagawa ko nilalambing ko sya after ko magsungit hindi rin naman dn po tumatagal ung pagsusungit ko maya2 mawawala na din naman. lalayo lng ako ng konti sa knya hehe

Ako naman asawa ko yung sobrang moody sya din ang nag ccrave ng mga pagkain. Kung baga parang sya yung nag lilihi hindi naman ako na niniwala sa ganun kaso parang totoo na

Same lng tayo Sis hindi nla maintindihan yung pagkamoody natin. Kaya ang ending away lumayas c mister hanggang ngayon hindi nagpaparamdam.😢 Kakaupset lng bakit ganun?

4y ago

yan kinakatakot ko din mamsh sa sobrang pagsusungit natin naririndi na cla kaya baka layasan na tlga tyo at di na bumalik 😔

VIP Member

Moody na ako noon pa kahit di pa ako preggy..pero ang lumala yung pagiging clingy ko!. Gusto ko lagi nakadikit sakanya..

TapFluencer

Same momsh. Kakatapos ko lang magtantrums. Buti hindi ako sinasabayan ni hubby. Hormones talaga to. Huhu. 😂😔

VIP Member

Sna lahat iniintindi ng hubby.. Asawa ko sinsabayan tlga .. Ugali nya kase yun ..kaht dipa ko buntis ..

4y ago

True..andme tuloy question ang pumasok sa utak ko

Oo same. Mas lumala pa moodswing ko! Hays naawa din ako kay LIP pero di nya ako maputulan.

Si Mister pinaglilihian mo Misis. No doubt, siya magiging kamukha ni baby nyo hehehe.

4y ago

sana nga naiintndhan nia ko hehe nasusungitan na din nia ksi ako dahil cguro din naiirita na sya mayat maya ako masungit hehe