5 months baby

Hello mga mommies ask ko lang kung ako lang ba ang may baby na 5 months pero hindi pa po sya nakakatagilid o nakakadapa, ano po kaya maganda gawin. Natural lang po ba iyon or dapat ko na i pa consult?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

exactly 5mos baby ko now and mas comfortable sya tagilid pero dapa hindi pa masyado nakakatagal although kaya nya happy pa sya habang dumadapa. sanayin mo lang mommy na naka tagilid sya, ipitin mo ng unan especially kapag tulog para tagilid lang talaga, itummy time mo din palagi nakakatakot pa yes, pakiramdaman mo nalang kung kelan stop na dapat or kailan pahinga then dapa ulit.

Magbasa pa