34weeks preggy

Mga mommy ano na naasikaso at mga pinaghahandaan nyo now or routine like preparation sa nalalapit na panganganak? #firsttimemom #pleasehelp #bantusharing #firstmom #FTM

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1. birth cert mo, birth cert ni daddi. 2. philhealth, HMO etc. 3. id's namin both partner with xerox para sure πŸ˜… 4. laboratories. from start to last lab, nasa iisang folder lang to. then mga gamit ng baby. dapat nakalagay na sa pouch ung pang recieving nya, tapos yung iyo yung adult diaper, bed pad, yung damit ni baby per set while nasa hosp pa, damit mo, damit ni partner, pang personal hygiene mo, pang wash, extra towel, lampin, diaper, sabon, Dishwashing liquid o sponge (kasi kakain ka dun) wipes, powerbank, phone, charger, thermos, medyas, suklay, tali sa hair, snacks. marami.🀣 AT PERA! πŸ˜…πŸ˜…

Magbasa pa

Mii magready ka na hanggat may energy ka pa. Ako at 33-34wks. Okay na mga gamit. Ngayong 37wks nako, lagi nakong pagod at inaantok. πŸ₯Ή Insomnia is real na din talaga. Lahat masakit na. πŸ₯² Prep mo na hospital bag niyo ni baby, saka yung documents na need for hospital. Also, dapat okay na din yung uuwian niyo ni baby paggaling sa hospital, okay na din clothes ni baby ganon. Nakalinis nako kwarto namin. Ending, di nakatulog sa sakit ng balakang. Kaya wag ka gagaya na late na naglinis. πŸ₯Ή

Magbasa pa

Try po ung exercises kasi importante po nakaposisyon si baby if gsto nio po mgnormal. ❀️ Also prepare nio na po ung labor bag mumsh kasi po by 37 weeks pwede na po mgcontract.

nagpractice na ko magpuyat. πŸ˜† at ayun na nga, ako nightshift. asawa ko dayshift hahaha. 6 weeks na kami ni baby sa labas. 🩷

at 37 weeks lakad na po, squat, pineapple, and diet po hehe, lakas makataba ng baby pag nasa 36 weeks na. πŸ˜…

VIP Member

General cleaning mima HAHAHA medyo nakakakaba na rin kahit pangalawa na toπŸ˜…

nag aayos ng ng hospital bag at kung ano pa yung need dalhin.

VIP Member

Up hehe