8 Replies

VIP Member

Yup kelangan agapan. Nag threatened preterm labor ako dahil sa uti. Sobrang sumakit puson ko, nahospital ako for a day para imonitor si baby. Inabot 20k plus bill ko. Mas magastos yun ma, compare sa gamot. Once sinabi ng ob na kelangan mo na mag antibiotic, ibig sabihin mataas na yung infection mo at kelangan na talaga gamutin. Wala pong home remedy sa ganyan. Di sya madadaan sa pa buko buko lang. Pero increase water intake, importante yon.

Thank you mi, chinat ko na ob ko kaso hindi pa sumasagot pero as of now ginagawa. ko na ng paraan yung halos 13k para sa antibiotic, sana resetahan nya ko ng mas affordable

Mi, kelangan mo sundin si OB. kung worried ka sa amount, try mo bumalik sa kanya tsaka humingi ng mas murang alternative. Pero once kasi na sinabi na kelangan agapan, ibig sabihin malapit na na syang lumala. mas magastos pag ganun. mabilis pa naman yung pagkalat ng infection ng UTI. ingat kn lng mi, iwas sa bawal, at uminom ng maraming tubig. para rin yan kay baby mo.

Kung ganyan po ang situation nyo, sundin nyo lang po si OB kasi pagnaghome remedy ka at di naman nagiging consistent or di naman sapat para bumaba yung level ng bacteria. Ganyan tlga mi magastos kaya sundin nalang si OB di naman sya magreseta ng ganyan kung di tlga need

to be honestsh, once niresetahan ka na ng antibiotic, yun na ang best treatment for uti ibig sabihihn nun malala na ang uti mo para madaan pa sa water therapy, buko, or ano mang home remedies lang.

ilan ba puscells mo? akin 40/60 hahaha pero cefalexin lang sakin nireseta den more water ako, 3 liters a day den yakult. kahit mag antibiotics ka po kapag di ka umiinom ng tubig, wala rin

Hindi po sinabi e pero sa laboratory results ko nalalagay moderate sya pero ilan yung plus, sa hi precision ako nagpalaboratory

Walang home remedies ang UTI beh kasi infection yan. Mura na yang 900 sa 1 week. Kailangan talagang agapan yan,ano ka ba parang dika naman napaliwanagan ng maayos ng OB mo.

900 po per tablet two times a day for one week, icalcu mo nalang, nabigla lang ako sa presyo, kase aware naman ako na once simulan yung antibiotics need na dere deretso, open naman po ako sa mga suggestions dito pero sana maayos yung pagsabi nyo. Kung di mo iindahin yung halos 13k good for you sana lahat ganyan

try mo uminom ng cranberry mii,aside sa buko juice maganda rin un.pero dapat inom ka din ng antibiotics na nireseta sau ng ob mo

Sa totoo lang di mo kelangan ng buko o cranberry. Tubig lang enough na

kamahal masydo sa 900 sis sa center libre lang ako naka kuha.them 1week din umu ok na uti ko pagka test sakin ulit...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles