6 Replies

Nung ako nanganak 1 1/2 months kami nasa parents ko ni baby. Mas komportable ako samin. Tas dun kami lumipat nalang dito sa bahay nila hubby. Mutual decision namin magasawa, kasi wala talagang magaasikaso sakin dito sa house nila. At iba alaga ng parents mo talaga, pwede kapa maglambing sakanila hehehe. Kausapin mo nalang at paintindi mo po ng maayos. Siguro pag naexplain mo side mo, pumayag din siya.

Mas ok talaga kung don ka sa family mo. Paliwanag mo na masmabilis ka makakarecover pagganon. Syempre iba pa rin alaga ng sarili nating kadugo. Bukod don hindi tayo mahihiyang makisuyo kung anong kaylangan nating tulong unlike sa side ng husband mo. Nakakailang kaya. Wala naman siyang magagawa pag yun gusto mo. Health mo at si baby ang nakasalalay don.

Kung ako, mas okay kung doon ka sa family mo kasi hindi ka maiilang kumilos. Alam natin yan, medyo nakakailang pag sa family ni husband. Hehe. Mahirap dumaing pag doon. Tell it to your husband, intindihin nya side mo. Ikaw ang manganganak, ikaw ang magaalaga, ikaw ang magpapagaling. Sana maintindihan nya.

ikaw dapat ang masunod kasi ikaw ang manganganak. mas maaasikaso ka ng family mo. sabihin mo na sya naman ang magsakripisyo kasi kamo ikaw na nagsakripisyo sa pagbubuntis. saka mas makakarecover ka kaagad if comfortable ka sa mga kasama mo. maano ba naman magtyaga sya ng isang buwan diba?

mas mainam po sa side ng parents mo, kasi po magaling mag alaga mga sarili nating nanay. ganun din po bilin ng ob ko, kung may choice na pwede sa sariling nanay ko muna ako magstay after manganak, dun ako kasintyak makakarecover ako

VIP Member

If i were u dun aq s family mo mas okay ang pkramdam at komportable kang kumilos.. Though inlaws mo mkksma mo s kbila at hnd nmn cla ibng tao peo iba pren pg ksama mo mismo parents mo..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles