1 Replies

BAHING, SINOK, HILIK, HALAK sa Bagong Panganak Madaling mag-alala tungkol sa iba't ibang tunog na nagagawa ng mga babies natin lalo na ngayong panahon ng pandemiya. Ipapacheck ko na ba si baby? Ipapaospital ko ba? Sana makatulong po itong post na ito. BAHING Normal sa mga bagong panganak o less than one month old ang pagbahing dahil, maliit pa ang ilong nila at hindi pa matured ang sinuses, daanan ng hangin. Minsan binabahing lang din nila yung natitirang fluids sa loob pa ng sinapupunan ni Mommy. As long as hindi umuubo, hindi panay tulo ang sipon, hindi nilalagnat, at hindi mabilis ang paghinga, normal lang po ito. TUNOG BABOY SA ILONG (pero walang sipon) Normal din po ito lalo na sa mga 3mos old pababa. Minsan, mas matanda pa. Bakit? Sa ilong po kasi humihinga ang baby, at napakaliit ng daanan ng hangin kaya ultimo ang "turbulence" ng hangin na pumapasok at lumalabas sa ilong, ay nagkakatunog din. As long as hindi umuubo, hindi panay tulo ang sipon, hindi nilalagnat, at hindi mabilis ang paghinga, normal lang po ito. SINOK Kung mapapansin ninyo, sinisinok din si baby habang nasa loob pa ng sinapupunan ninyo. Ito ay nangyayari dahil minsan ay naiirritate ang diaphraghm ni baby (muscle na nasa ibaba ng baga, nasa itaas ng tyan). Kung ang sinok ay tumitigil nang kusa within 30 minutes at hindi tuloy-tuloy within 48 hours, hindi nasamid si baby, hindi nag-iiba ang kulay na na parang sumisinghap sa paghinga, normal lang po ang sinok na ito! :) HILIK Sa mga babies, napapansin na minsan ay humihilik sila lalo na kung natutulog na nakayuko si baby. Subukan iadjust itingala ng kaunti si baby para maging madali ang pasok at labas ng hangin.Kadalasan maiibsan ang paghilik kapag ganito. Kung sa palagay ninyo ang paghihilik ng baby ay lumalala, nagigising siya dahil nahihirapan huminga, o kailangan ninyo idapa para lang mawala ang hilik o ibang tunog sa throat, ipacheck up na lang po sa Pediatrician o ENT lalo na kung almost 1 year old na at hindi pa rin nawawala. HALAK Minsan napapansin ni mommy na tuwing habang sumususo si baby, may halak/crackles na naririnig sa dibdib at likod. Minsan nakakapa din ito ng kamay. Kung ito ay kusang nawawala after sumuso si baby, hindi siya inuubo o nasasamid, walang lagnat, hindi mabilis o nahihirapan huminga, natutulog ng matiwasay at active, huwag muna magpanic! Ang tawag dito ay TRANSMITTED SOUNDS. Ito ay tunog lang ng gatas na dumadaan mula sa esophagus papunta sa tiyan. Manipis kasi ang dibdib at likod ni baby kaya ultimo iyun ay naririnig o nakakapa ni Mommy. Muli, kung happy si baby, hindi hinihingal, inuubo (iba ang ubo sa samid), nilalagnat, hindi kailangan isugod sa ospital. Kung sa palagay ninyo ay para siyang maysakit, saka ninyo po siya dalhin sa inyong Pedia. Ano ang mahalagang pag-aalaga kay baby? Ipagpatuloy ang breastfeeding. Mas maiiwasan ang samid kung breastfeeding dahil hindi tuloy-tuloy ang tulo ng gatas kapag tumigil na siya sa pag-latch. Kung bottlefeeding, padighayin si baby bago pahigain. Kung maglulungad, ipatagilid si baby para hindi mapunta ang gatas sa baga. Sana nakatulong para hindi na mapraning si MAMA! CTTO

salamat po,, naliwanagan po Ako💕

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles