Matigas na Puson
Hello mga mommy! 17weeks here, meron din ba dito na matigas ang puson? minsan sa left, minsan right side. Pero di naman masakit. Normal po ba yun?
Yes mi si baby yun makakapa mong matigas at naka umbok lalo na pag nakahiga ka flat, ganyan din ako. Pero magkaiba ang matigas na part sa naninigas ang tiyan mi ha? Pag naninigas buong tummy ko iba yun mas okay magpa check up ka pero if may nakakapa kalang na matigas sa bandang puson it’s normal.
Paconsult ka na lang Momshie sa OB agad kasi ganyan ako hindi masakit pero natigas lang ayon pala hindi normal pag ganun kasi sign ng preterm labor.
Thank you sa advise mommy! Will do 🧡
Ganyan ako mi madalas kaka 18weeks ko lang tapos minsan may parang sisipa
Ewan ko mi, ako diko pa nararamdaman yung kicks nya.
Alam nyo na mga gender nyo mi? Ako di pa eh hehe
Hindi pa masyado makita sakin mi at 17weeks. Check namin ulit next check up ko 😊