Ayaw na dumede sakin ni baby

Hi mga mommise, na try nyo na po ba na hindi dumede ng baby nyo as in ayaw nya talaga dumede sa dede ko pero po pag feeding bottle yung gamit dumedede po. Nag mix na po ako 2months sya at ngayon 7months na po sya biglaan po ayaw na dumede sakin ☹️ Ano po nangyari mga mommies. Salamat po#advicepls #pleasehelp

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagka nipple confusion na po si baby.. Baka mas madami siya nadedede at less effort pag sa bote siya dumidede.. Dapat po mommy kung gagamit kayo feeding bottles kahit yung claims ng brand e no nipple confusion kahit lumaki na si baby hindi po kayo dapat magpapalit ng tsupon na mas madami butas dapat yung pang NB pa rin na nipples kasi pag madami nalabas sa tsupon syempre mas gugustuhin na nila yon mii.. Try nyo pa rin ioffer dede nyo mi wag kayo susuko.. Sa akin nagpupump ako before kaso tamad ako maglinis ng bote kaya ng exclusive breastfeeding kami ni baby til now 7mos na siya saken lang nadede giniveup ko yung Pigeon wideneck bottles

Magbasa pa
VIP Member

same po tayo 3 months na baby ko ayaw nya na din sa dede ko pero simula po nung pinilit ko sya sa dede ko dumede na sya ulit sakin. ang ginawa ko lang po pag antok na antok sya pinapadede ko sya sa breast ko kahit pag tulog pa sya sasalpak ko lang yung nipple ko tapos mag lalatch na sya. instop ko muna sya sa bottle pag gutom sya no choice na sya kundi mag latch hanggang sa nasanay na sya ulit. try lang ng try

Magbasa pa
VIP Member

Mukhang nasanay na po tlaga sa bote lalo pag 7 months, alam na po nila kung anu gusto nila. Try nyo pa din po padedehin lalo pag bagong gising or pag antok na. If ayaw na tlaga, pwede ka po mag pump

2y ago

Ayaw na nya po talaga mommy 😢 Nag pump nalang po ako huhuhuhu

Minsan mas nagugustuhan nila ang sa bote kaya po sila na rin ang namimili kung ano ang gustong kasanayan 😌

VIP Member

Try pumping nalang mi if you want na breastmilk talaga ang madede ni baby.

Baka po inverted nipple mo mii

VIP Member

nasanay na po yan sa bote