DEPRESSION

Hello mga Mommies, Possible po ba na nasa Post Partrum Depression parin ako kahit buntis na ako? Last December 2021, nakunan ako. Due to Severe Stress. Graduating student ako that time and bigla akong nabuntis. Hindi matanggap ng mother ko na buntis ako, since di ako nag dadala ng lalaki sa bahay dahil ayaw nila na mag karoon ako ng boyfriend kaya tinago namin ng boyfriend ko yung relasyon namin hanggang sa mahuli na lang kami. Then, sumabay pa na nakapag pa vaccine ako that time for Covid. Sobra kong sinisi yung sarili ko nonn, at naniwala ako sa mga taong nakapaligid sakin na kasalanan ko kasi di ako nagiinfat kaya ako nakunan. Then last year 2022, nalaman namin ulit na preggy ako. Nung una happy pa kami ni partner ko. But things happen, bigla sya nagbago nung nalaman na namin gender ni baby. Happy naman daw sya kaso gusto nya talaga is boy. Dun na nagsimula na mastress ako. Madalas pa ako mag isa at nakakulong sa kwarto at bahay. Kasi si partner nag aaral pa at nag oojt. Then may time na nagiging closr talaga sya sa ka ojt nya na babae. With matcjing reacts pa. Kaya lumala pagiging praning ko. kasi bakit ganon sya. Napapadalas na din pagiinom nya. And to be honest lahat ng gastos sa pagbubuntis ko shinoulder ko kasi di nagbibigay parents nya dahil gipit din sa buhay. Napapadalas na din pag aaway namin dahil sa pagiging selosa ko at pagbabago ng trato nya sakin. Kaya naiisip ko na kasalanan to ng baby. Gusto ko sya mawala sa tyan ko kahit 8 months na sya. di ko mapigilan mag isip ng ganon. Kaya ang ending sarili ko nasasaktan ko. Naiisip ko na din magpakamatay dahil sa mga nangyayari sakin. I try to ask for someones help pero sagot nya lang sakin ADIK KA BA? NABABALIW KANA. Baka po may mga kakilala kayong free Psychiatrist Center or Psychological Services. kasi di ko na po kaya i handle yung isip ko. At natatakot din po ako na baka may magawa akong masama sa baby or sa sarili ko

1 Replies

unang-una sa lahat, wag isisi sa baby kung ano ang nangyayari sa buhay natin. yes, it is best to consult a psychiatrist, psychologist, or social worker. kindly check dswd. pinaka importante, lumapit ka kay God. laging magdasal. lahat ng takot at worries, itaas lahat kay God. nagkaroon din ako ng depression. hindi naiintindihan ng iba kung bakit nagkakaganun. so i consult with a doctor. baka hormonal lang, thyroid concerns, vitamin deficiencies. then ang ginawa ko, lumapit ako kay Lord. lahat ng iniisip ko, tinaas ko sa kania. iyak ako ng iyak, kausap ko sia. then bigla akong kumakalma. lalo akong naiyak kasi nakikinig sia. pinakalma niako, meaning magiging ok din. maaaring ung sa gusto natin mangyari pero meron din na may iba siang plano pero mas maganda. may times habang kausap ko si God, biglang may pumapasok sa isip ko, parang biglang idea na dapat kong gawin. i follow Him. pero since buntis ka, maaaring dahil sa hormonal changes. nagtetake ka ba ng prenatal vitamins? pray ka lang kay God. be strong. mas lalong kumapit ka kay God.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles