Feeling down 😩

Hi mga mommies! Umiiyak din ba kayo pag naiiwanang mag isa sa bahay? Ano ginagawa niyo para ma-avoid ito? Minsan kasi dami kong naiisip hindi ko rin alam kung dahil ba to sa hormones feeling ko kasi naiistress ako pag naiiwang mag isa ganun? Dati naman nung hindi ako buntis, gustong gusto ko mag isa lang ako sa bahay tamang chill lang. By the way, first time mom here po! I’m trying to understand lahat ng nangyayari sakin pero minsan hindi ko din maintindihan talaga wala na kong magawa kundi umiyak nalang 🥺 Please respect my post!

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mi, i don't invalidate ur feelings po ah pero isipin nyo po kahit papano mas maswerte pa kayo kesa saken kasi ako literal na lalabas yung baby ko na walang ama ftm pa po ako, para akong kinakain ng kalungkutan may time pa po na naiisipan kong mag suicide pero mas nangingibabaw saken takot sa Diyos at eto iniiwasan ko yun dahil ayoko na pati si baby ko na sstress, kaya ang gingawa ko po nanunuod nalang ako vlog ni ser. geybin hehe mga funny videos sa tiktok or kumakanta may mga karaoke sa tiktok eh basta binubuhos ko oras ko dun. Laban lang tayo mi 😊❤

Magbasa pa