Prenatal Milk VS Prenatal Vitamins

Mga mommies umiinom parin ba kayo ng prenatal milk kahit na nagtatake na kayo ng prenatal vitamins? Sabi kasi ng OB Gyne ko di na daw need mag milk kung nag vitamins na ako same amount of nutrients daw kasi ang naibibigay nun pareho ... makakasama ba kay baby kung both ko iniinom? #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa akin po 2 Cups of milk a day, 2 eggs a day, and vitamins. Sabi kasi ng ob ko hindi lahat nang nakakain natin ay complete diet and packed with nutrients kaya need pa rin ang milk since ang calcium and nutrients na nakukuha sa vitamins ay napupunta kay baby, need din po natin ng calcium at iba pang nutrients para naman sa health ni mommy. Wala siyang sinabi na maternal milk, any kind of milk is enough as long as milk.

Magbasa pa

di rin po ako pinagmilk ni ob pero umiinom ako kasi nakabili na kami. di na lang po kami bibili nyan pag naubos ko to. may mga vitamins na po kasi sya binigay sa kin na nandun na din daw ung vitamins na makukuha ko sa prenatal milk. iwas gestational diabetes din daw po. pero may go signal naman ni ob na ubusin ko lang tong anmum na nabili na namin. 😊

Magbasa pa

Never po ako uminom ng maternal milk kasi hindi recommended ng OB ko. Helps avoid gestational diabetes and para di masyadong lumaki si baby at hindi maiharap ilabas dahil sa matamis ang milk. Same with your OB sabi sakin sufficient na yung nutrients from prenatal vitamins para sa development ng baby.

Magbasa pa
2y ago

Nagfefresh milk naman po ako.

VIP Member

Since advice naman ni OB sis, means okay lang talaga. Lalo pag na assess naman niya na healthy na kayo preho ni baby. Pero pansarili mo nalang na desisyon kung gusto mo pa another supplement. Siguro concern nalang ng ob is sayang namn in terms of pera hehe. Anyway your choice prin po. TC

2y ago

thank you po momshie 😇

hindi naman po nakakasama yon. May milk naman po na no sugar added like Anmum yun po iniinom ko. depende po kung ilang weeks na po si baby. ako po kasi mag 8 weeks pa lang. umiinom ako ng Anmum milk no added sugar, folic acid, prenatal vitamins

2y ago

Unmum chocolate din po ang iniinom ko 🥰

Okay na man po sa ob ko na umiinom ng milk kahit may vitamins. Pero nung matindi nausea ko, pinatigil nya multivitamins at tuloy pa din yung gatas.

Pareho ako meron vitamins and maternal milk as recommended ni OB 2glasses pa nga ng anmum iniinom ko per day

VIP Member

ako di rin uminom ng maternal milk. bearbrand at milo lang andame kong gatas paglabas ni bb 🥰

gAnyan po Sabi Ng ob ko dahil nsusuka ako sa gatas binigyan n lng nya ako Ng vitamins...

sakin po,mula 3months hanggang ngayon nag vitamins po ako,tas prenatalmilk din ...po