BABY PROBLEM

Hi mga mommies any tips para tumaba yung anak ko😌 mag 2 yrs.old na sya sya yung naka yakap sa pinsan nya magkasing edad lang po sila pero sobrang layo ng agwat ng katawan nila bottle feed yung pinsan nya anak ko breastfeed hanggang ngayon nag vavitamins naman sya at the same time malakas dn kumain ng solid foods! Naiinis na ako sa mga sinasabi ng mga kamag anak ko bat daw buto buto yung anak ko ako lang daw kumakain puro negative comments naririnig ko Any suggestions kung ano ang pampataba??? Ayaw nya mag dede sa bote kahit anong gawin namin.. TIA #pleasehelp #advicepls

BABY PROBLEM
22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakakatawa yung mga comment niyo, hindi niyo man lang sinagot yung tanong. Nagtatanong siya ng advise kung paano tumaba anak niya,may alam ba kayong mga "tips" Hindi niya tinatanong kung ano sa tingin niyo ok lang na ganon ang katawan ng anak niya? Or ano sa tingin niyo na kinukumpara yung anak niya sa iba? Or sa tingin niyo ba may bulate yung pamangkin niya. Minsan kasi gusto rin ng ibang nanay patabain ang anak nila at gusto sana nila makahingi ng Tips kung may alam lang naman kayo. Sa akin lang, Since malakas na siyang kumain baka hindi na masyado nakaka breastfeed? So medyo kulang na sa gatas, Pwedeng dalasan na lang yung breastfeed at kumain ng masustansiyang pagkain. Pwede rin kayong magpacheck up sa pedia niyo para ma assess ng tama un health ni baby.

Magbasa pa