Seeking advice

Mga mommies, tingin nyo po dapat paba ko lumaban pra sa rights ng anak ko? Ayaw po kasi pumayag ng parents ko na basta nalang ako mananahimik habang naglalaho na yung tatay ng anak ko. ?? Dipo kami kasal pero yun nga may anak kami, ayaw ko na sana maghabol po pero yung magulang ko kasi ngagalit sakin, Hindi nrin kasi nagpaparamdam yung tatay ng anak ko ?? Pagod na pagod na rin akong mastress at umiyak.. Please need your advice and opinions po :(

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me idemanda mo or kasuhan mo na directly. Kaya kasi namimihasa yung ibang iresponsableng tatay o magulang kasi walang natkae ng action. I myself was single parent sa eldest ko, buntis pa lang ako wala ng support tatay ng panganay ko. May bataa po rayo na pag di nagsustento yung other parent you can file a case. Tama po yung nagsuggest na sa PAO ka lumapit. Now kung ayaw nya talaga magbigay impacted po sya kasi mahirapan na sya humanap ng trabaho kasi pag ang employer tinanggap sya and di sya magbibigay pwede po sya matanggal sa trabaho.

Magbasa pa