Pwede po ba mag mild body massage ang buntis?

Hello mga mommies tanong ko lang po kung pwede po ba i massage ang buntis? like sa binti/hita po tsaka sa likod pero di naman po yung madiin na hilot yung mild lang na parang pindot pindot para lang maibsan kahit papano yung sakit. may mga parts po kase ng katawan ko na sobrang sakit na talaga before ako magbuntis tapos lumala nalang yung sakit nung nabuntis na ko🥲 pinagpipilitan pa po ng lip ko na di daw ako pwede magpahilot kaya eto nagsusuffer ako hirap po ako matulog lagi dahil sa sakit ng likod,hita,balakang at balikat ko🥹 #firstmom #firsttimemom #firstbaby #pleasehelp

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po pwed, baka may parts na matamaan na nakaka stimulate ng contractions. Ang remedy lang talaga niyan is not to stand too long nor to sit too long, hehehe pwed din po maternity belt to support your belly.

2y ago

thankyou po

TapFluencer

I had prenatal massage from MNL Massage. i asked my OB kung pwde she said yes of course. Sobrang sarap ng hilot, mild lang siya walang pressure or diin pagkahilot.

sa papa,binti ulo, balikat okay lg naman po...basta walang any massage sa tyan.. sa likod since bawal po na naka dapat pwede ka naman umupo tapos light massage sa likod

2y ago

thankyou po😊

ask po your ob mii. kc may mga nababasa ako pwede daw magpa mild massage. kya paalam ka ke ob mo mii. dpende dn po kung hndi maselan pagbubuntis nyo po

2y ago

thank you po

prenatal massage meron po license po nagawa nun..