Pwede pa bang maglakad lakad kapag 32weeks preggy?
Hi mga mommies 🥰 tanong ko lang po kayo if nung 32weeks na kayo naglalakad lakad pa ba kayo ng medyo matagal? Or nabyahe ng 1.5hrs? By next week po kasi 32weeks na ako and planning kaming magmall para mamili ng mga gamit ni baby pero ang pinaka malapit sa amin na mall ay 1.5hr na byahe pa... may sasakyan naman po pero iniisip ko kung okay lang po kaya yun? Di ba ako matatagtag? Di naman po maselan pagbubuntis ko pero takot lang dahil baka kakalakad ko masyadong bumaba si baby or mapagod... ito po ang tummy ko ngayon 30weeks and 6days, baka kasi mababa na kaya worry ako sa paglalakad ng mahaba hehe... thanks po sa mga advance inputs niyo 😊
RMT