KINAKABAHAN AKO BAKA DI PA UMIKOT SI BABY SUHI PA DIN SYA!!!!

Mga mommies tama lang bigat nya nakikita sa ultrasound ba un? Correct me if I'm wrong mga mommies dko kasi alam tama lang ba bigat nya? At suhi pa din sya. Huhuhuhu#pleasehelp #firstbaby #1stimemom

KINAKABAHAN AKO BAKA DI PA UMIKOT SI BABY SUHI PA DIN SYA!!!!
8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hi! ako nga nung preggy dati, i was 38weeks na and breech position pa si baby πŸ˜… kaya lagi ko syang kinakausap and lagi kong pliniplay music sa may puson na part. good thing nag cooperate siya and on his 39th week utz naka cephalic na siya. 😁 iikot pa yan momsh. try talking to your baby and playing music 😊

Magbasa pa

23 weeks palang mamsh! Nong nagpa ultrasound ako 22weeks breech position pa sya pero lastweek 26 weeks na ako umikot na po sya. Lagi lang akong may unan sa pwet pag matutulog.

iikot pa yan sis. sa ikalawang baby ko, nun ultrasound 7months breech din siya after 2 weeks nakaposistion na siya. try mo pag every in the morning tumuwad ka.. effective yan😊

Iikot pa po yan. 20weeks ako nung nagpaultrasound ako for gender nakaposition sya pero kinabukasan pag ultrasound ulit ng OB ko sabi nya suhi daw pero iikot pa naman daw yun.

VIP Member

masyado pang maaga para mag worry hehe iikot pa yan ! wag lang paka stress ..

nasa 23weeks kpa namn...nothing to worry kasi iikot pa yan si Bby

VIP Member

23weeks pa lang naman po may chance pa na umikot .

Masyado pang maaga po. Iikot pa yan.