Hoping to be a breastfeeding mom😊
Hi mga mommies, any suggestion po kung ano ginawa nyo para magkagatas? Or ano ininom nyo? Thank you.#1stimemom
1 week before ako manganak pinag malunggay cap ako ni OB tapos nung nanganak na ko wala pa rin ako gatas agad nag Unli latch lang ako at nagtiwala sa kakayahan ko mag produce ng milk.. D din ako natakot sa una onti lang ang lumalabas naniniwala ako na yun ay sapat lang kay baby since parang calamansi palang kalaki ang stomach nila.. Nag parallel feeding din ako..while latch si baby sa kabila.. Sa kabila naman nagppump ako.. Magic 8 at powerpump ginagawa ko hanggang sa dumami ang milk supply ko.. Malaki help mga galactogouges like malunggay pero balewala yun kung hindi magpapalatch since law of supply and demand ang milk natin.. Tyagaan lang talaga yan momsh makikita mo pag lumulusog si baby mo na nadede sayo sarap sa pakiramdam basta wag ka matetempt mag formula milk mii kasi mababawasan din nyan ang supply mo.. Sa ngayon 4months exclusive breastfeeding ang baby ko 7.5kg na siya😊 Eto mga iniinom ko pa rin: M2 Malunggay, Mother Nurture Coffee, Mega Malunggay cap.. Syempre may mga sabaw na foods like Tinola with malunggay pampagatas pang support lang din bukod sa matakaw talaga ang baby ko😄 sali ka din sa mga breastfeeding groups sa fb.. Goodluck momsh kung kaya namin mga EBF mommies.. Kaya mo din yan 😍❤️
Magbasa paUnli Latch is the key, mommy! Tsaka keep yourself hydrated po. Before, halos magpure Formula na kami ni baby kasi na-nipple confused sya dahil 8 days sya naiwan sa hospital. Di ko sinukuan, offer lang ako lagi ng boobies ko. Ngayon, halos exclusively breastfed na si baby. Nagfoformula nalang sya pag aalis ako or pag busy ako na di sya makakalatch sakin pero most of the time, unli latch lang talaga. Dalas ko uminom water. Nakaka3-4L siguro ako sa isang araw. Wala ako iniinom na supplements or what. Talagang water at unli latch lang. Minsan, masasabaw na ulam hehe Last check up namin na nagfoformula pa si baby, 7.4kgs sya, 2 and a half months sya nun. After 2 weeks, eto na yung nagstart na kami na halos exclusively breastfed si baby, 8.2kgs na siya at 3 months. Puro hindmilk siguro nakukuha niya kasi lagi talaga syang nakasalpak sa boobies ko 🤣
Magbasa pawag ka na momsh uminom ng kung ano ano. Eat healthy foods,more water at masabaw na ulam lalo na malunggay. Iwas sa stress. Pati kahit anong kain at inumin mo if stress ka hindi ka magkakagatas. Saka demand vs supply. And sympre dapat may tyaga at tiwala ka sa sarili mo na kaya mo mag breastfeed.
no need to drink supplements. latch lang ni baby makakapagpalakas ng supply mo. soup and water will help pero kung di ka magtyaga magpalatch hindi lalakas ang supply. unli latch lang yan ang sabi ng OB ko and til now im still bfeeding my 3yr 4mos old son.
unlilatch, malunggay capsules and other lactation aids if still preggy learn more about breastfeeding through reading, videos and webinars
try mo malunggay capsule
Moringa capsule momsh
Water therapy Ma!
Hoping for a healthy child