Hello mga mommies and soon to be, im ftm po, 34 weeks na ko now, nung isang araw nag pa ultrasound ako tapos yung pwesto ni baby naka transverse, then kahapon check up ko sa ob ko hinawakan nya tiyan ko umikot daw si baby yung pwesto niya is ang paa niya nasa baba yung pasuhi ba. Pero sabi ng ob ko baka iikot pa uli yan, kabuwanan ko na next month. Healthy naman daw si baby normal naman lahat. Tanong ko lang po kung meron na naka experience nito? Iikot pa ba talaga siya? Thanks po sa sasagot.