Random

Mga mommies, sino po sainyo ang hindi okay ang relationship sa mother-in-law? Hindi kasi kami okay ng MIL ko. Akala ko okay kami noong andun ako sakanila nung buntis pa ako. Akala ko okay ako sakanila nung time na magboyfriend palang kami ng anak nya. Pero hindi nya pala ako tanggap una palang daw. Ano mararamdaman mo pag narinig mo yun? Share naman po kayo ng mga ginawa nyu or naging reaksyon nyu. Maraming salamat.

94 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan rin ako nung una akala ko ok kami yun pala my mga issues sya saken. Na alam ko wala naman ako ngwag mali. Buti nalang nkkinig si hubby sakin at pinagssbhn mil ko. Ignore mo nalang sis mas better pkitaan mo padin ng maganda. Andyan naman si Lord gagabay satin.

Same tayo sis. Pero ako naman di ko narinig nararamdaman ko lang, alam mo naman yun kung tanggap ka or hindi well thats ok di naman sila aasawahin naten e tamang pakisama na lang ng maayos at pag may narinig ka dedma na lang para less gulo. Respect na din as mil.

Okay naman kami ni MIL and FIL. Pero ung BIL and ung asawa niya hindi kmi okay dhil nung mag bf/gf plang kami ni hubby nagbreak nun kami then siniraan nila sakin si hubby. Nalaman yun ni hubby kaya nag away sila ni BIL then un siyempre damay na din ako.

Wag mo nalang pansinin mamsh..isipin mo nalang hnd lng ikaw ung may ganyang sitwasyon..bihirang bihira ang mag in-laws na magkasundo..my masasabi at masasabi pdn..gawin mo lang ung kung ano tama..pag stable na kau ng partner mo saka kau bumukod..

for almost 16yrs & counting na nag sasama kmi ni hubby ndi kailan man kmi naging ok ng aking MIL & SIL.....katwiran qu kxe kung ayaw nla sakin mas lalong ayaw qu sa kanila ganun lang kasimple un....kesa makipag plastikan nmn aqu sknila....

5y ago

ok na sakin na hindi kami maging ok mga sis...🤣🤣🤣 mga back fighter kxe cla...dba sating mga manugang mas masarap sa pakiramdam ung pag nanghihingi cla sa sa asawa ntin ung alam din ntin...eh cla kxe hindi...mababasa qu nalang sa txt na pag nanghingi wag ipapaalam skin...ndi nmn sna aqu madamot...tsaka umpisa palang kxe ayaw na talaga nla sakin....kya cguro kung hindi aqu palaban at basta nlng makikinig sknila malamang matagal na nla kami napaghiwalay ni hubby.....eh sorry nlng cla my pagka demonyita aqu.....🤣🤣🤣🤣

di ko sure kung ganyan di yung amin pero ang sure ko, wala silang ginagawa kahit na alam nilang buntis na ko. hays. ni hindi nila ko kinakamusta o whatsoever mahirap lang kasi magkasundo mama ko tsaka bf ko pero di ko close magulang ng bf ko.

Wala. Hyaan mo lang. Balang araw matatanggap ka rin nyan basta respetuhin mo parin kahit ano mang sabihin nya sayo. Di naman mahalaga kung ayaw ka nya o gusto. Asawa mo lang naman pakikisamahan mo e.

wag nyu na lng po sya bigyan ng pansin kasi ikaw lang rin maiistress nandun na sa point na nkakasama ng loob basta pakitaan mo pa rin sya ng good things malay mo marealize nya na mali pala sya

Wala ka naman na sa kanila, hayaan mo sya.. Mamuhay ka lang ng normal. Wag mong pilitin ang taong ayaw, be civil nalang pag kinakausap ka. Hangga't hindi nakakasakit wag mo nalang pansinin

Siguro masasaktan sa una. Pero mahal namin ng anak nya isat isa so wala sila magagawa 😂 Lalo na may kakayahan naman na mabuhay nang bukod sa kanila. Our hapiness is more important 😊