No heart beat at 23 weeks

Hi mga mommies! Sino po sa inyo dito ang nakaexperience ng fetal demise? Last week nalaman kong wala ng heartbeat si baby. Sobrang sakit kasi ilang weeks na lang sana yung hihintayin ko bago ko sya makita. Normal lahat sa mga previous check up at ultrasound ko tapos last week di ko na sya nararamdaman gumalaw kaya nagpacheck up ako. Tapos ayun wala na ngang heartbeat si baby. Ngayon hinihintay ko na lang humilab yung tyan ko para mailabas ko pa rin sya ng normal kasi sabi ng ob ko di daw pwede i-CS dahil masyado pa syang maliit. Any advise po para mas mapabilis yung paglabas nya? Kasi po kahit masakit gusto ko na din sya makapagrest. Salamat po.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hugs mommy :( been there, 3yrs ago..

5y ago

Thank u mommy..