C Section

Mga mommies. Sino po ang CS sainyo? Care to share kung ano reason? And kamusta po ang healing? Matagal po ba and masakit after operation?#firstbaby #pregnancy

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

induced kasi bglang taas bp ko for a week, nag labor for 8 hours pero 5cm parin kya nauwi sa ecs. in my case wala akong naramdamang sakit after operation kc cguro naka binder ako. then meron akong pain reliever meds na baon pagkauwi ng bahay. after a week balik kay OB tinanggal na post op bandage and advised parin ni OB to continue using binder until the 3rd month then alalay lang sa kilos. 1yr & 2 mos na and thankfully wala naman ako pain na naramdaman ever sa tahi ko.

Magbasa pa

scheduled cs naman ako kasi 5mos pa lang tyan ko nakita na sa ultrasound na placenta previa ako ..more more bedrest ako labas pasok sa hospital dhil plagi ako dinudugo low lying placenta previa na nun 7 mos na akala eh iikot pa ..sa healing naman thankful ako na di ako nahirapan kasi after 2 weeks pagkapanganak ko namatay father ko na nsa province kaya mega biyahe(via plane) ako with my newborn baby kahit dumudugo pa tahi ko ..(cs and ligate at the same na din pala)

Magbasa pa
3y ago

breech din po baby ko @9mos .. okay lang po ba CS ?

In my case emergency CS, fetal distress, gusto na lumabas ni baby kaso ilan cm pa lng ako. Mas matagal ang healing. After operation, mabigat lang sa pakiramdam. parang may buhat ka na bato sa puson pero after 1 week ok na sya.

3y ago

Fully healed daw aabot po ng 2-5years. Pero sakin 6months to 1year oks na. Nakakagalaw na ng maayos. Bawal nga lang magbuhat ng mabibigat.