Postpartum depression 😩

Hi mga mommies.🥺 Sino dito nakaranas na madepress pagkatapos manganak? 😭 Konting bagay lang iiyak ka. Konting masabi sau ng asawa mo, matritrigger ung anger mo. At ung lungkot mo. Iiyak ka at masasaktan mo sarili mo. Pagkatapos iiyak ka nalang habang nakatingin ka sa anak mo. Ang masakit padun wala nakakaunawa sau.😩😭 Akala nila nagdradrama ka lang. Kung pwede lang mawala ito un naman lage kong prayer. Na hindi ako lamunin nito.. 😭😭😭 paadvice naman kung meron kaunnaexperience na ganto. #1stimemom #pleasehelp

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy pakatatag ka po.. Tayo pong mga mommy especially after pong manganak nkakaranas po Tayo ng postpartum depression and sometimes tumatagal pa ng lalo na Kung wala tayong nakakausap.. pakatatag ka po mommy lahat po tayong mga Ina may mga oras na pakiramdam natin Wala tayong Silbi sa Mundo, walang may pkialam saatin.. na para bang napag iwanan na tayo ng lahat dahil sa pagiging Ina natin.. pero para po sa mga anak natin kailangan po nating labanan Ang depression.. kailangan Tayo ng mga anak natin dapat tayong magpaka tatag.. mas matibay tayong mga Ina kumpara sa mga problema sa buhay ,para sa mga anak natin lahat kakayanin natin..manalangin ka po lagi mommy na pagaanin na Ang nrramdaman mong kalungkutan.. even me nkaranas din ng depression every night akong umiiyak.. pakiramdam ko mag Isa ako. walang nakakaintindi sakin.. Isa sa dahilan at nakatatak sa isip ko kaya ako nagpapakatatag parin ay Ang anak ko, kailangan ako ng anak ko. pakatatag ka po..kaya mo Yan..

Magbasa pa