Mga Mommies, share ko lang almost 2 months na after kong manganak pero yung nraramdaman ko ganyan pa rin. Irritable at mabilis mainis lalo na dun sa tita(2nd degree) ng hubby ko na siyang kasa-kasama namin sa bahay pag nauwi kami sa biyenan ko. hindi ko alam bakit ako naiinis sa kanya kahit na di naman kainis-inis lalo na pag may kinalaman kay baby. Minsan, hawak ko lang si baby agad tatanong niya kung napano siya. Ewan ko ba, mas alam pa niya saken(although mas may experience siya sa pagiging nanay kesa sakin na FTM) Para bang may feeling ako na baka mas gusto pa siya ni baby kesa sakin,feeling ko parang siya yung nanay. Yung feeling ba na "hello anak ko to, ako yung ina niya." ? Hindi ko alam bat ganun yung nafifeel ko pero siya yung tumutulong sa bahay at kasa-kasama namin. Tapos kay hubby naman, madalas din akong irritable, mainis at mawalan ng pasensya sa kanya lalo na pag pagod ako kay baby, parang nagsasabay/nagsasalubong yung inis at pagod ko. ? Hindi din ako mkapag open sa kanya kase agad nagkukwento siya sa mama niya or sa katrabaho niya. ?? Hindi ko alam kung ano tong pinagdadaanan at nararamdaman kong to. Minsan di ko na kilala sarili ko.