I badly needed your advice, opinions and/or suggestions.

Hi mga mommies! Sana basahin nyo po ito :) wala kasi akong mapaglabasan ng mga thoughts eh. Ganito po kasi, first time mommy po ako. I got pregnant months after I graduated. 23 na po ako. March this year, I gave birth to a baby girl :) Gustong gusto ko na po kasi magwork eh. Para syempre sa baby ko. Para may sarili kaming panggastos. Sa ngayon po, we're staying sa bahay namin kasama partner ko which is currently reviewing for his board exam. Kasi ayoko po sana umasa palagi sa bigay ng family ko and sa family nya eh. Tsaka more than one year na po ako nasa bahay lang. Bagot na bagot na po ako. Although I cherish every moment bonding with my baby pero alam nyo po yung feeling na, gusto mo lumipad? Gusto mo abutin pangarap mo pero hindi mo magawa kasi may inaalagaan kang baby. Oo, alam ko naman na may time para doon. Medyo nanghihinayang na po kasi ako sa mga panahon na nasayang eh. Madami na po kasing job offers sakin, sobrang dami ko na pong pinalagpas. Nagtatampo din ako sa partner ko kasi ayaw nya ko payagan na magwork kasi nagrereview daw sya. Hindi nya daw kaya mag-alaga mag-isa pero sa totoo lang di naman talaga sya nagrereview. Puro sya mobile games :( Gusto ko rin po kasi makapag-ipon para sa first birthday ng baby ko eh. And surprise party ko po para rin sa father ko. Magkabirthday kasi sila :) Ano po bang pwede kong gawin? Kasi purely breastfed po si baby. Tinry ko po iformula pero nagtatae sya. Hindi din sya sanay sa bottle. Kaka-6 months pa lang po nya eh. Natry ko na din pong mag-online selling pero sa dami ng competitors sobrang nahirapan din ako. Ano po ginawa nyo kay baby para matuto uminom sa bote? And pano po gagawin para magmix feed na sya para makapagwork na po ako. THANK YOU SO MUCH PO NGA MOMMIES. GOD BLESS

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I feel you momsh... mahirap naman talaga at sayang, pero alam mu hindi ka na din makakabalik sa stage na yan sa buhay ng anak mu... kaya isipin mong mabuti kasi kapag nag work ka na sa labas sa sobrang traffic now a days eh limited na lang ang time mu kay lo. You may try online work... sa start maliit pero eventually tumataas din naman ang rate. As for bottle feeding, may nabasa ako na dapat iba ang nagpapa bottle-feed kay baby otherwise kasi kapag ikaw syempre mas gusto nya pa din na sayo mag dede. Its best din na sa ibang room sila para di ka nya maamoy... Mag pump ka na lang ng milk para di pa din kailangang bumili ng formula 😉

Magbasa pa

Did you try online job? Maraming fb pages na naghehelp on how to get online jobs. Try mo muna online jobs po. Makasama mo pa baby mo, may pera ka pa if you'll land an online job. As for baby na mag.drink, try nyo feeding cup pra sa pagpa inom kay baby ng breastmilk. Pump ka nlng mommy f hindi hiyang si baby sa formula milk.

Magbasa pa