THANK YOU MOMMIES!
Hello mga mommies, salamat po sa pagppray sa amin para sa baby ko. Ako po yung nagpost na nagspotting kahapon, okay po ang baby ko. tama po ang laki niya para sa week niya. at normal po ang heartbeat niya na 142bpm. ❤️ And above all, kay LORD. walang hanggang pasasalamat sayo Panginoon. Kahit grabe yung iyak at stress ko buong araw di mo kami pinabayaan ni baby. May maliit na subchorionic Hemorrage sa may kwelyo si baby. Ibabalik ko pa po ito kay OB, para mapayuhan at mabigyan ng tamang gamot. Kahit walang pera, laban lang. Pray lang and God will provide. Sa gaya ko pong nawawalan ng pag-asa diyan, kapit lang kay Lord. Di niya tayo pababayaan mga inay. ❤️ ps. mahaba-habang lakbayin pa hanggang sa mayakap ko ang baby ko, pero alam kong kasama namin si God.