Vaccination

Mga mommies, question po. Saan po ba mas okay magpa vaccine si baby? 1st vaccine nya kasi next month. Sa private pedia kasi siya, 6in1 daw po yung vaccine which is 4k. Then sabi dito sa bahay, sa center na lang daw para free pero madaming beses ka pupunta sa center. Yung 6in1 daw po sa private e di kasing okay nung sa center. Any advice po ano po mas okay? Nagwoworry po kasi ako. Thank you! #1stimemom #advicepls

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh, first shot ng penta ni LO is sa pedia then nitong 2nd na 6in1 and pcv is sa center na po pinaalam namin kay pedia pumayag sya kasi sayang naman daw. Ang wala lang po sa center kaya nagpunta parin at pupunta parin kami kay pedia aside sa monthly visit is yong rotavirus. Maaga lang po punta sa center kasi maraming tao and since tatawagin naman kayo practice social distancing parin. May health protocols naman po na pinapatupad din ang mga centers.

Magbasa pa