44 Replies
Depende kasi sa magulang yan.. Well syempre kung nageexpect ang parents mo sayo na makakatulong ka pa nila since panganay ka at nakapagtapos, siguro madidisappoint sila lalo kung unemployed ka pa for now, san kukuha ng pangtustos and everything. Pero sa umpisa lang yan Sis.. harapin na lang, 23 is not young anymore, adult na yang kung tutuusin, ang need mo gawin ay ipakita ay ang pagiging respobsable mo, ninyo ng bf mo.. get a job kahit sa online work from home para may pangtustos kayo kay baby.. aminin man o hindi, napakagastos pag nagbuntis. kaya nga sinasabi na be prepared physically, emotionally at financially.. bago sumampa ang bf mo, w kayong humarap sa parents po. at linawin ng bf mo yung plano nya sa inyo magnanay s aharap ng oarents mo. As per experience ko noon (28 na ko ha) nabuntis ako ng di pa kasal pareho kaming may stable na work at kahit pano malaki laki ang kinikita namin magBF, may own house na rin ako noon pero grabeng takot ko sa parents ko pano ko sasabihin since bata kasi ako nakatatak sa isip ko na mali magbuntis ng di pa nakakasal, pero humarap ang bf ko sa parents ko at sinabu nya ang plano nya samin.. ayun hindi naman nagalit at mas nabunutan sila ng tinik kasi alam nilang magiging responsable ang mapapangasawa ko at maging ako rin.. Basta tatagan mo lang loob mo, mahirap ang di pa ready pero makukuha mo rin ang diskarte at unti unti magiging okay yan :) Fighting lang, kaya mo yan!
kaka21 ko lang nung mabuntis ako pero nakunan din ako the day after ko magpacheck up. hindi pa din kami kasal non (til now) and napakarami ko pa ding plano sa buhay ko that time. sobrang nadisappoint parents ko non kasi gaya mo panganay din ako, ako yung inaasahan. pero andon na yon e. alam ko galit yung parents ko esp. papa ko. nga pala pagtapos ko magpacheck up non kinagabihan nagsabi na kami agad sa parents ko. hindi na kami nagpaliguy ligoy pa kasi kako ganon din naman. magagalit sila. mas lalo lang magagalit pag di inamin agad. then nung mag 22 ako nabuntis ako ulit. unplanned din. btw graduate ako ng crim and by that time nagreready na ko ng mga requirements ko. kaso ayun nakabuo kami ulit. alam ko disappointed na naman sila sakin non kasi nga mag aapply nako. pero ayun nga andon na buo na yung bata wala ng magagawa. ang ginawa ko nalang non pinilit ko pa din makatulong sa kanila kahit papaano tapos eto ngayon mas mahal na nila yung anak ko kesa sakin hahaha sa una lang naman yan sila magagalit, sasama ang loob. initial reaction na ata yan ng mga magulang na yung inaasahang anak is nabuntis or nag asawa agad. bigyan mo lang din siguro yung parents mo ng assurance na kahit nagbuntis ka ng hindi inaasahan e tuloy ka pa din sa pangarap nila sayo. matatanggap naman nila yan. lalo na pag nakita na nila baby mo.
I think it's about time to tell you're parents about your pregnancy since you are already 6 mos. The sooner the better, tho ako non it took me a week to gather enough strenght to actually do it. And my boyfriend at that time was with me when we told them my situation. Nakakagaan ng loob, I must say and I'm pretty sure na matatanggap din nila yan one way or another. Anyway, baka nga makatulong pa sila sayo emotionally or kung di man financially in terms of support. About naman sa boyfriend mo na bago pa lang kayo. I believe wala sa tagal yan as long as you know and you feel that you both love each other walang problema. I know wala kayo pareho stable job as of the moment but try to talk it out and plan things out and try to look for other options and oppurtunities coming your way. I always think that everything happems for a reason and especially a baby, a life inside of you is no accident na sayo binigay ng Diyos. Wala din sa age yan unless you are a teen na wala pa gaanong muwang sa mundo. And kung nagwoworry ka na di kapa ready, it's okay. Wala naman talagang ready when it comes to these kind of things. You just have to be strong and take charge sa hamon ng buhay - now as a soon to be mom.
hi. ☺️ unsolicited advise pa rin to pero kung ako nasa kalagayan mo, I rather tell it to my parents. yes, you might be expecting disappointments from them pero wag mo muna Siguro pangunahan ate ghurl. PRAY ka muna bago mo sabihin sa kanila para AT PEACE kayo sa pag-uusap nyo. ☺️ Nasa edad ka naman yes pero syempre in reality malaking responsibilidad magkaroon ng anak from the day na buntis ka Hanggang sa lumalaki Ang Bata. Nanay Rin Ako at 30 ngaun, Hindi Biro lahat Ng mga pangangailangan namin mag Ina, thanks be to God na shoulder namin mag asawa mga gastusin namin sa sarili namin kayod kahit mahirap Kasi worth it naman c baby. Heto lagi sinasabi ng tatay ko sa akin when I was single. Kung ano Man piliin Kong Gawin, Hila ko Ang sarili kong buntot. Meaning kung maaga ako nabuntis ng unstable pa ko sa lahat, matuto ako dapat maging responsible sa actions ko. Kaya nung sinabi ko sa parents ko na buntis ako, masaya sila at sinisikap namin mag asawa na sarili namin kayod para Kay baby. Kaya mo yan. Be responsible this time because the journey to parenthood is not easy yet its a moment to enjoy & cherish. ☺️
Hi! :) Actually same tayo. 23 years old ako and 6 months pregnant din going to 7 months na. Nalaman ng parents ko nung 4-5 months na ako kasi medyo malaki yung baby bump ko. Syempre nandon yung disappointment sa parents lalo na only child ako. Pero so far naman naging okay naman, nagtampo sila pero im trying my best na kahit magkaka pamilya at di pa ako kasal sa father ng magiging baby ko hindi ko nakakalimutan na may pamilya din ako. Every now and then kausapin mo lang sila, lambingin mo na lang muna. May iba na nakakapag salita ng masakit pero ganon talaga pag sumama loob or nagtampo which is normal naman pag ganitong sitwasyon tulad satin. Kung ano man ang mangyari, make sure na safe kayo ng baby and keep lang sa pag momonitor kay baby. Wag mo din stressin ang self mo in case may mga bagay na di maganda ang masabi sayo from your family. Bumawi ka na lang sa sunod na pagkakataon para ipakita sakanila at iparamdam na kahit na magkakapamilya kana isa pa din sila sa priority mo. Good luck & Congratulations! ☺️
ako nabuntis aq @ the age of 23 graduate na aq nun ng college at the same time both kami ng partner ko datym na may work naman..so financially hindi kami nahirapan kc nga may work naman kami, tapos nagtapat kami sa parents ko syempre may halong kaba at takot yun..medyo disappointed sila kc nga bata ko daw, pero pinatunayan namin both sa parents ko na kaya namin tumayo sa sarili naming mga paa at ayun nagpakasal kami na malaki ang tiyan ko at nagbukod ng bahay, so far hangang ngayon ok naman kami at natanggap naman ng magulang namin, kc alam nilang kaya namin panindigan ang pinasok namin.. ok lang yan ate gurl, blessing yan..magsabi ka ng totoo sa parents mo, ang problema is paano yung mga gastusin na kakailanganin nyo, since new graduate ka at apprentice din bf mo, cguro subukan mo maghanap ng work marami naman dyan na pede pasukan daming online, for sure makakapasok ka naman lalo nat graduate ka..basta pakatatag lang kau, wag susuko kc andyan na yan! kailangan nyo nalang patunayan na kaya nyo..
Hi!! like you, fresh grad lang lang din ako last year by June at age of 23 tas July nagwork na agad ako. By August 23 dun ko nalaman na pregnant kami ng partner ko. At first kinakabahan talaga kasi haler kakagraduate ko lang at panganay pa ko. Idagdag mo pa yung fact na ako lang din inaasahan samin kaya talagang no'ng nalaman kong preggy ako di ako nakakatulog sa gabi 🥲😂 Pero no'ng nalaman ng tatay ko na buntis na ko ayun wala naman siya sinabi gulat nga ko e hahahah napaka higpit pa naman non saka masungit. Katwiran nya graduate naman na daw ako tas both naman kami employed ng 2 years bf ko. Siguro mas maganda aminin mo na mamsh, para di kana din nasstress. Kahit naman anong mangyari matatanggap at matatanggap yan ng parents mo. trust me! ❤️ Sa ngayon, 6 months na tyan ko tas manganganak ako by April. Good luck satin mamsh!
Hays! Praying for sqfe delivery satin be
Hindi na yun issue sis sa parents mo kung nabuntis ka na ng 23. Adult ka na, pati graduate ka naman na. Ang issue is wala kang trabaho, pati yung BF mo. Tiyak na mananakit ulo ng mga magulang niyo kung san sila hahanap ng pampaanak mo at mga gamit ng baby niyo. Basta handa niyo sarili niyo na may mga masasamang salita na masasabi mga magulang niyo. Normal lang na ganun reaksyon nila. Hanap ka sis ng work-from-home job. Pati yung BF mo, maghanap ng work-from-home job. Ano ba mga kurso/talento niyo? Pwede kayo mag-apply online web programmer, online graphic designer, social media specialist, writer, virtual assistant, etc. Kaya yan. Buntis ako noon 5 months na, la ding work. La din work mister ko. Tapos naswerte sa online job. Naka-ipon kami ng pampaanak within the remaining months.
preggy din ako ngayon at 23 years old, kaka-graduate lang at panganay din kami pareho ng boyfriend ko. syempre sa una madidisappoint talaga ang parents kasi kami ang inaasahan sa pamilya namin pero as time goes by, nagiging okay naman. nasabi na lang din nila na nasa edad naman na daw kami para magpamilya kasi 24 na si bf. we assure them naman na after namin mairaos ang panganganak ko, maggigive back pa rin kami sa kanila since ang boyfriend ko nagtetraining sa army ngayon kaya parents nya muna ang sumasalo ng mga gastusin namin ni baby. di porket nabuntis ka ng ganitong age e wala ka nang maitutulong sa fam mo. marami pang pagkakataon para makabawi. ipon ka lakas ng loob para magsabi and be ready din syempre kung anong macocomment nila. good luck momsh!
ako mii buntis ako Sa edad na 19 i know it's a wrong timing at Hindi planado Ng partner ko Yung mama ko sobra Galit pero konti Lang atleast graduate na ako Sa senior high..mag collage na Sana ako kaso wala kami kakayahan or di Kaya mag work after mag senior high kaso Ito na ngah..dumating na Si panganay...wala na ako magagawa..btw..at the age of 23 NASA wastong edad kana..depende nalang Kung Handa kana lalong lalo na Sa financial kahit Hindi kayo kasal Ng partner..pero ang mas kinatatakotan Mo is Yung 18 and below tapos buntis ka makaka received ka Ng panglalait dahil maaga ka na buntis kahit pa parents Mo at relatives Mo at pag naging single parent ka mas lalo kapa ma down that cause of depression and stress..Kaya mo Yan mii..
Anonymous