Worried getting Pregnant at 23 years old.

Mga mommies, pwede po ba magtanong na masyado bang maaga na mabuntis ako. Di pa po kami kasal ng bf ko and then bago pa lang kami, di po planado lahat. Tapos sasabihin ko by next week sa parents ko na preggy ako. May ipapayo po ba kayo like anong dapat kung gawin? Anong masasabi niyo as a mother po if yung anak niyo nabuntis sa edad na 23years old. Or may experience po ba kayo na at this age nabuntis rin na di pa kasal at di planado. Maka-graduate ko lang nung May 2022 then yung bf ko sasampa ng apprentice, both kami unimpoyed now kasi pausbong pa sana. Panganay paman din ako both teacher parents ko. Kinakabagan ako! Thank you po. Badly need you advice or suggestions. πŸ₯Ί kinakabahan na po kami ng bf ko. 6 months preggy na ako

44 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Meron pang timeline kung ilang taon acceptable na mabuntis ang babae? I doubt. Wala yan sa edad. I think nasa readiness and nasa financial situation mo yan. Like you said, unemployed ka. Ang magiging concern ng magulang mo, eh hindi dahil nabuntis ka ng 23. Ang concern ng magulang mo, at nyong dalawa dapat, e saan kayo kukuha ng pantustos? The best thing to do is get a job. Online, kahit ano, as long as hindi kayo aasa sa magulang nyo, dahil hindi niyo naman sila kasama nubg ginawa nyo yan. Good thing, graduate kana. A lot of opportunity is waiting for you. Extra ingat lang! Go mommy!

Magbasa pa
VIP Member

Ako nga mas maaga nabuntis ea. Ngayon at the age of 23 soon to be mommy of 3 nako, pero diko inisip yung mga bagay na negative kase it's a blessing ea. Iniisip ko nalang na ginawa ni God na ganto magging chapter ng life ko kase may plano siya and of course to learn and experience. Sa umpisa, talagang di mawwala yung disappointment ng parents. Pero nasa right age kana rin naman ea. Basta importante masabi niyo agad sa both fam niyo and magusap kayo ng bf mo kung ano plan niyo. Di ka naman ppabayaan ni God. Buti kapa nga graduate ea. Yung iba di nakatapos pero patuloy parin sila nagssumikap para sa pamilyang binuo nila. Think positive lang and always pray.πŸ™β˜πŸ˜Šβ˜Ί

Magbasa pa

hello. 25 ako ngayon turning 26 na this may hindi din kami kasal ng bf ko pero 5 yrs na kami nung nabuntis ako. ☺️ Hindi kana minor basta handa ka sa responsibilidad. Normal matakot at kabahan, ganyang ganyan din ako hindi ko masabi sa parents ko kasi sobrang strict nila hanggang umabot ng 5 months yung tyan ko ng dahil sa mga kapitbahay namin tsismosa nalaman ng nanay ko πŸ˜… Both stable kami ni partner ko, may trabahong maganda at pundar at masasabi kong na fullfil ko na kahit paano ang singlehood ko before magka baby. Pero ang daming masasakit na salita sinabi ng nanay ko kesyo nakakahiya daw ako πŸ˜… tapangan mo loob mo sis para sa baby mo ☺️☺️

Magbasa pa
TapFluencer

hiiii, 23yrs old din ako nabuntis. okay naman, nakaya ko naman. 2 months na baby ko ngayon. nakayanan naman lahat ng gastos, tulungan lang kami ng daddy ni baby ko, na cs pa ako kasi nagddrop hb ni bby during labor. 24 na ako ngayon, masaya naman, okay naman kami ng daddy ng baby ko kaso grabe talaga yung mood swings ko simula magbuntis hanggang ngayong postpartum. muntik pa kami maghiwalay kasi nga grabe talaga, suicidal nako sa tindi ng postpartum pero na overcome naman. advise ko lang, please be ready, emotionally, physically, mentally pati financially. masaya magka baby pero kailangan mo maging matatag. be healthy mommy and congratulations πŸŽ‰β€οΈ

Magbasa pa

hello... ganyan din ang nangyari sa amin ng boyfie ko, panganay din ako... share ko lang ang ginawa namin nang malaman namen na buntis ako umuwi agad sya sa kanila, at sya ang nagsabi sa parents nya na buntis ako. then after that, bumalik sya sa amin (sa amin kasi sya nag pasko kaya umuwi sya sa kanila before new year). and then sabay naming sinabi sa parents ko na buntis ako at darating ang parents nya para pag usapan ang dapat gawin at first umiyak sila and disappointed pero inassure namin sila na tutulong pa rin ako sa responsibilities... huwag kang kabahan momshies, makaka apekto ang iyong emotion kay baby... think positive lang πŸ₯°

Magbasa pa

hi mommy! I'm also 23 years old at first disappointed sila kasi inaasahan nila ako and kakagraduate ko lang with latin honor hahah nagtampo ganon pero natanggap pa din nila and super thankful ako kasi ramdam ko yung pagmamahal from my parents. Sobrang dami pa din naman opportunity for us, stay safe and goodluck to your pregnancy journey mommy. Advice lang ipon ka ng lakas ng loob para sabihin sa parents mo and iready mo Yung sarili mo sa maaaring sabihin nila sayo and dapat maghanap din work si bf mo for you and your baby.

Magbasa pa
VIP Member

tell your parents.. maybe sa una makakarinig ka ng disappointment sa kanila pero eventually magiging okay din lahat lalo na pag lumabas na si baby .. naalala ko noon ako 17yrs. old lang ako nung nabuntis naka 1yr. lang ako sa college.. kasama ko bf ko nung sinabi ko sa mama ko .. sobra iyakan namin noon at buong pagbubuntis ko matabang treatment ng family ko sakin .. hindi rin kami nagkatuluyan ng bf ko noon .. nag business ako pastillas gumagawa ako at nagtitinda para makaipon sa panganganak ko .. ngayon 11yrs. old na ang panganay ko ..

Magbasa pa

parehas tayo momsh 23 din ako nag buntis same din na di planado pero sinoportahan ako ang bf ko nun.. Oo natakot din ako na sabihin sa parents ko nun na pinaabot ko pa ng 5 months yung tyan ko bago ako umamin sakanila, syempre umiyak ung mama ko tas nagalit din ung papa ko kasi nga nabuntis pero normal lang naman kasi na reaksyon ng mga magulang yun. tanggapin mo nalang yung sasabihin nila mawawala din naman yan lalo na pagnakita na nila c baby. Goodluck on your journey momsh at cheer up lang lagi 😊😊 Godbless

Magbasa pa

1st na pagsasabihan mo kung di man kayo magsasabay sa kain. is tatay at si tatay ag magsasabi sa nanay tapos kokomprontahin ka ni nanay. (pero for sure may sinabi na si tatat mo sayo) explain your side. ano plano niyo ng bf mo or meron ba? plans in the future and what can you promise sa parents mo. since medyo nadis appoint mo sila . dpende kasi sa parents yan eh. age 23 is acceptable na. ang di acceptable sa part mo at sa bf mo if di kayo pa ready. acceptance process nalang talaga jan.

Magbasa pa

If babalik ako sa nakaraan early 20s ako sana nabuntis kasi 34 na ko 1st baby binibilang ko kng ilang taon nako pag college nansya hehe pero gift from God any time nya ibigay blessing padin πŸ˜‡ May mga bagay na nandyan na hndi mona mababago kng mgalit man parents mo normal lang un pero mttanggap naman nila in time.Wag ka masyado pastress mi, gawin mo syang motivation to plan for a better future kaya nio yan πŸ™πŸ»πŸ˜‡

Magbasa pa