Headache during pregnancy

Hello mga mommies, normal po ba yung headache ngayong 13wks ako sobrang sakit kasi and antagal bago mawala. Thank you! #firsttimemom

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Yes, normal po na may headache pag buntis pero kung sobrang sakit na po na di na kaya o di nawala better ask your OB po. and always check your bp din Sis.. intense headache kasi is one of the sign ng tumataas na bp. Godbless po.

VIP Member

Normal po, unang check up ko pa lang posa ob sinabihan ako na okay lang mag biogesic pag may headache. Though tinitiis ko pag may headache tinutulog ko na lang para hindi uminom ng gamot

ganyan din me nung 1st tri ko. kaya lagi ko katabi si white flower para amuy-amuyin. now im on my 25th week na, awa ni lord pagpasok ng 16weeks nawala headache/migraine ko.

Ako sis madalas pagka gising ko sa tanghali after mag nap sobrang sakit minsan naiiyak nalang ako sa sakit ayaw ko din kasi uminom ng biogesic nawawala din after an hour.

naranasan ko dn to. akala ko nga sign ng preeclampsia since isa sya sa signs. pero ngayon nasa 3rd trimester nako okay na hehe

san banda masakit ulo mo sis? ako naman pag kagising , bandang likod sakin 17 weeks preggy

ganyan din ako nung first tri. ako sunflower lang lagi kong kasama kaya nawawala

qng di na Po tolerable then paconsult na Po kau kay ob.

more on pahinga lang sissy. wag din masyado magisip.