Paano po mabilis matuyo ang pusod?

Hello mga mommies! Nahahagas na po ako sa pusod ni baby ko hindi pa sya natutuyo. 11days na po sya today.

Paano po  mabilis matuyo ang pusod?
28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag mo mommy basain yung pusod kapag pinaliliguan mo si baby. kada palit po ng diaper ni baby, lagyan mo po ng alcohol at wag mo nadin po syang lagyan ng bigkis. 70% mommy yung ipatak mo kay baby. wag kang mahagas mommy, ganyan talaga tayong mga firstimer hehehe.. nangangapa

linisin mopo ng alcohol 3x a day ung 70% and 3x time po kada linis din tas ung pang apat na bulak po wag na lagyan alcohol ipunas lang din po sa pusod ni baby just make sure na tuyo po ung pusud niya ..wag din po bigkisan or lagyan ng bulak na may betadine ..

VIP Member

More on alcohol momsh. 70 % alcohol lang. wala ng ibang lalagay. Linisin din yung dugo. 3x a day. Basta walang mabahong amoy ok lang yan. Wag takpan momsh. Pabayaan lang para matuyo kaagad. 11 days palang naman si baby. Matutuyo pa yan.

3y ago

Takpan mo muna bigkis mommy lagyan Mo alcohol

Alcohol po 70% wag lagyan ng kung ano ano. Basta walang amoy pag meron pa check up agad sa pedia. Sakin 5 days plang tanggal na 3 times a day ko nilalagyan

wag mo basain momsh kpag pliliguan mo po takpan mo ng plastic ng yelo then patungan mo ng bigkis ganun gnawa ko tapos after maligo patakan mo ng alcohol

TapFluencer

nasabi mo na po ba sa Pedia nya? sa baby ko po ang sabi ng Pedia nya alcohol po madalas para madali mag dry .basta walang mabahong amoy po

VIP Member

alcohol po mommy tapos pag lalagyan mo ng diaper si baby kung mahaba po sknya yung diaper itupi mo po para di makulob yung pusod ni baby.

lagyan nyo Lang po sya mommy ng alcohol GanYan Lang ginagawa ko po SA 3 kid's ko so far ok Naman sya at magaling na after 1 week

VIP Member

Pacheck up mo mommy si baby, dampi dampi lang po mommy ng cotton na may alcohol po. Sana maging ok pusod ni baby soon 🙏

VIP Member

alcohol sa bulak po umaga pagkatapos maligo at gabi pag papalitan ng damit. tapos wag isasanggi ng diaper, wag bibigkisan