Kabag po kaya ang cause?

Mga mommies na experience nyo na po ba yung pag iyak ni baby na parang may interval? Makakalma namin sya for a few minutes, tapos biglang iiyak na naman ng malakas. Kabag po kaya ang cause nito? #firsttimemom #pleasehelp #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

ganito baby ko mii lalo na pag bandang 11pm. maraming dahilan bakit umiiyak sila. si baby ko kasi nung isang araw kabag, kagabi pupu na gusto nya ilabas, minsan naman gusto pala nya na nakabalot sya ng bongga. breastfed po sya at kahit nakasubo ung dede ko sa kanya same lang din iiyak sya after ilang minuto. alam ko na nun na iritable sya. - pag feeling ko hirap sya magpoop, sasabayan ko syang umire. ang ending ako ung bongga umiire tapos sya chill lang. pag nakapupu na sya matutulog na din nun. always check din ang diaper. - unli latch lang sya sa kin lalo na breastfeeding naman kami. - check ko lagi likod nya kasi baka pawis. ung ilong naman nya, kamay at paa kung nilalamig. - check ko din lagi ung hihigaan nya bago ko sya lagay doon para maensure kong di sya mangangati at walang mangangagat sa kanya. - kung lahat ng yun di effective, mamassage ko na tyan nya. after nun kung kabag nga, uutot sya. pakiramdaman nyo lang po si baby. 😊. may ibang mommies akong nakikita na winawarm bath nila mga babies nila. after nun, okay na si baby. kung magvivisit po kayo ng pedia sabihin nyo po ung naeexperience nyo kay baby din para kung may need ipainom o gawin, mainstruct nila kayo.

Magbasa pa

check nyo yung tiyan kung may kabag, restime nireseta ng pedia ni baby ko for kabag pero bago kami magpa checkup nilalagyan ko sya nung konting manzanilla kasi no choice kahit bawal yung ganon ang mahalaga ma relieve yung sakit ng tiyan ni baby tapos massage,bicycle exercise and swaddle tapos hele

Related Articles