OGTT result

Hi mga mommies. Meron po ba senyo na kakilala na marunong pong bumasa nitong OGTT? Medyo in doubt lang po kasi ako kay OB nirefer kasi nya ako sa Diabetes specialist. Di naman ako mahilig sa matamis at wala din sa lahi namin na may diabetes. Medyo worried lang kasi ako. Salamat po sa mga sasagot.#advicepls #1stimemom #pleasehelp #pregnancy #firstbaby

OGTT result
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tama si OB mo irefer ka sa diabetologist mi sundin mo siya. Mataas kasi result mo.. Hindi naman yan dahil sa lahi o sa pagkain mo.. Talagang nagka Diabetes ka lang while pregnant. Sa hormones mo yan. Pero need mo ayusin ang diet mo para mag normal yan. Mahirap madami komplikasyon kung di mo ma maintain sugar mo kaya kelangan ka magpacheck up.. GDM din ako at controlled bloodsugar ko maayos ko naipanganak si baby.

Magbasa pa
3y ago

Normal delivery mo po ba naipanganak ang baby nyo po? Anu pong diet ang ginawa nyo po?

Syempre dapat sa OB ka mas maniwala kesa sa mga marites dito. Tama naman basa ni OB mo sa test result mo. Better paconsult ka na para maayos yang blood sugar mo. Sa OGTT kasi isa lang sa mga yan tumaas eh gestational diabetes na yon. Prone tlaga buntis sa ganyan. Need yan imanage kasi madami complications pag hinde maayos blood sugar mo.

Magbasa pa
3y ago

Ako hinde na ako nag white rice. Adlai rice at Black rice substitute ko. Pero usually 1/4-1/2 cup lang din kain ko per meal. Wala na din tinapay, pasta, noodles, mga juice at matatamis. Ang substitute ko sa white bread is wheat bread. More on gulay at sabaw din ako. Mostly fish kinakain ko. Pag fruits kinakain ko hinahati ko pa sa gitna. Tsaka more more water talaga. Wag ka papagutom. Tsaka pansin ko if wala ako masyado tulog at medyo stress ako. Dun mataas sugar ko.

mataas kasi ang fasting blood sugar (FBS) mo sis and ung 1 hr after mo inumin ung liquid na matamis mataas din po. kaya po kayo nirefer ni OB sa specialist para mabantayan po ung pre-diabetic na signs sis para kay baby naman un at sayo din po ☺️

3y ago

May mairerecommend ka ba na diet para bumaba blood sugar ko sis? thank you.

bkit ka in doubt eh antaas ng results mo. D lang sa matamis tumataas ang blood sugar. Pag madami dn intake mo ng carbs nakaka apekto un. nag8hrs fasting ka ba (no food and water) bago ang OGTT?

3y ago

Yes po nagfasting po ako. And opo tama naman nga po talaga OB ko. may natanungan na din po akong OB ng kakilala ko po. 😔🥲

Mataas po fbs and ogtt 1st hr mo. Candidate ka for gdm kaya ka nirefer sa specialist. Need macontrol yang sugar mo sa blood para di maapektuhn si baby sa tummy mo

Hindi lang naman sweets ang cause ng GDM, rice, breads mga yan pwede mag cause ng gdm. Mga sweets na fruits din like mangoes mga ganyan.