Lipat ng ospital at OB

Mga mommies, meron po ba dito sa inyo na naghanap ng bagong OB at ibng ospital during your pregnancy? And pano po ginawa nyo? Sinabihan nyo po ba yung dating ob nyo na nakahanap kayo ng bagong ob o nag direct na kayo sa ibang ospital for new ob and cheaper price para sa panganganak? Thank you po

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi ko na sinabi sa dati kong OB na lilipat ako ng ibang doctor, basta dala mo lang lahat ng records mo like ultrasounds, laboratory mo etc.. para un ang ipapakita mo sa new OB mo. Same case kc tau naghanap ako ng medyo cheaper OB at hospital due to budget constraint.. at accessible na din sa house ko since mahirap mag commute now. Basta make sure lang na ok ang lilipatan mo na OB na aalagaan ka po. btw sinabi ko sa new OB ko na nagkapag paconsult na ko sa iba before her, tinanong ko nga po sya if ok lang magpalit hehe tumawa at sabi oo naman daw no problem.

Magbasa pa
3y ago

sakin kasi mi may uti na ako, hindi mawala wala. nakakatatlong test na ako and kada labas ng result, kelangan ifollow up kay ob diba, eh ang normal monthly check up ko mi is 800 pesos, tapos kapag follow up binibigyan nya naman ako ng discount like 30% or 50%. kaso yung cashier ng hospital na yun nandadaya. first follow up ko ang singil sakin 50% discount 400 pesos which is tama naman, tapos netong last saturday for follow up ko 50% din bigay ni ob pero yung singil sakin ng cashier is 500 pesos. na pinagtaka ko. tinanong ko yung cashier bakit ganon? ang taray pa ng pagsagot nya sakin, sabi nya 400+100 po kasi. dun ako natrigger na maghanap ng bagong ospital. and netong nakaraang araw, naghanap ako ng ibang ospital sa fb na nakapost yung pregnancy package nila na mas mura and mas okay kesa sa dating ospital na pinupuntahan ko. salamat mi sa pag sagot 😊😊