Lipat ng ospital at OB
Mga mommies, meron po ba dito sa inyo na naghanap ng bagong OB at ibng ospital during your pregnancy? And pano po ginawa nyo? Sinabihan nyo po ba yung dating ob nyo na nakahanap kayo ng bagong ob o nag direct na kayo sa ibang ospital for new ob and cheaper price para sa panganganak? Thank you po
hindi ko na ininform un dati ko ob kasi nka twice pa lang naman ako sakanya nun. kung okay sana sya ob eh okay dn mag inform out of courtesy. ang taas ng fee nya tapos ganun attitude. nairita kasi ako sakanya ang sunget kaya parang bawal magtanong. so lumipat ako dito sa new ob ko and dala ko lang lahat ng records. seasoned ob na un new ob ko ngayon and never sya nag sunget sa patients nya..kaya naman kahit pila sakanya, go pa dn ako. pero for whatever reasons, weigh mo din if need mo inform ob mo before. case to case basis naman un sis lalo na if reason is budget.. maiintindihan nman ng mga doctor un.
Magbasa pahindi ko na sinabi sa dati kong OB na lilipat ako ng ibang doctor, basta dala mo lang lahat ng records mo like ultrasounds, laboratory mo etc.. para un ang ipapakita mo sa new OB mo. Same case kc tau naghanap ako ng medyo cheaper OB at hospital due to budget constraint.. at accessible na din sa house ko since mahirap mag commute now. Basta make sure lang na ok ang lilipatan mo na OB na aalagaan ka po. btw sinabi ko sa new OB ko na nagkapag paconsult na ko sa iba before her, tinanong ko nga po sya if ok lang magpalit hehe tumawa at sabi oo naman daw no problem.
Magbasa paako po bsta lumipat 😅 di na kase namen kaya yung check up fee nung una ko and minsan unreachable sya kaya lipat agad kme mas mura ng very light at mas mabilis mgreply sa text.. lumipat din ako mg ospital.. private to private pero mas mura singil dito sa bago kong nilipatan.
same situation sis, ang mahal ng check up fee and minsan dinadaya ng cashier nila yung current ospital na pinag checheck up-an ko. salamat sis 😁
lumipat na po ako kasi nirefer pi ako sa ibang hosp. eh hindi naman po sakop ng OB ko ung hosp na un. at sinabi ko ung reason. kasi wala na ako work need mag public para makatipid kasi Cs pi ako ih😊
salamat mi, nahihiya kasi ako sa ob ko, okay naman sya kaso namamahalan na ako sa singil nila for check up and lab tests na minsan dinudugas ng cashier nila kasi manual receipt lang ang binibigay.
We just talked to our old OB and explained to her our situation. We parted well thru viber after that.
Preggers