COVID-19 Positive
Mga Mommies, meron po ba dito nagpositive sa PCR test before delivery? Asymptomatic naman (no symptoms at all) at kaya nagpatest kasi diba required na ngayon magpaswab bago manganak. Hindi lang ako makapaniwala dahil sobrang ingat ko. At di ko alam paano ko siya nakuha. Gusto ko ngang ipaulit kasi baka false positive ☹️ What to do now?
Me too 😔😢positive ako sa IGM, negative ako sa IGG😔 rapid test ko Yan sobrang stress ako tanong ko San ko nkuha un eh halos d n nga ako lumabas Ng bahay nkakalabas lng Kung prenatal check up ko.. then tumawag na ako sa OB ko for advice auko na pmunta sa lying in na pinapacheck upan ko kz un nga positive if true bka nkahawa pa ako kawawa nman UN ibang buntis Doon.. walang sintomas then isip ako Ng isip panu un ngyari un advise Ng ob ko isolate ako Ng 14 days eh kabuwanan ko na 36-37 weeks nku d Hindi ako mapakali kz bka manganak ako na nkaisolate.. nangungulit pa din ako sa ob ko for advice then Sabi nla pnta daw Ako sa mga health center my swab testing daw Doon para mkaavail daw ako.. pmnta un husband ko ngbakasali n my swab testing Doon AWA Ng dyos meron at malapit na mg.cut off 50 person lng kz kukunin nla buti nman naawa sa akin UN Taga health center kz kabuwanan ko na siningit ako.. gamit pa din un philhealth Wala n kmi binayaran na cash kz kaltas na sa Phil health un na swab na ako kinabukasan... And 4days lng ng.email Ang redcross sa result ko AWA Ng dyos negative na ako pero Ang stress ko sa pg.aantay ko Ng result habang nka isolate grbe.. pero khit papanu d pa din ako pinabayaan Ni Lord dasal lng ako Ng dasal Sana maging ok lng Ang lahat Lalo na kmi Ni baby...ngaun ng.aantay n lng ako manganak 💓💓💓
Magbasa paDepends yan. Are you sure na wala kang symptoms even before? Hindi ka nawalan ng panlasa, pang-amoy, sumakit ang ulo etc. Kasi with Covid-19, pag asymptomatic ka, papalakasin lang talaga katawan mo. pag may symptoms ka naman, gagamutin lang symptoms mo while pinapalakas immune system mo. Eat fruits apple, oranges, banana etc. take vitamin C-ImmunPro. Lastly, don’t worry too much. Kasi senseless na din. Nandyan na yan, tandaan, pag healthy si mommy, healthy si baby. For now isolate yourself. As in self-isolation. Have your whole household tested din, baka may 1 sa family niyo ang positive then magkakahawaan and magpasa-pasahan lang kayo ulit ng sakit. Madaming buntis ang asymptomatic. Don’t worry, i just recovered from covid last week kaya I know what I’m talking about. Pag may nadevelop na symptoms, then depends na sa OB mo kung ano gagawin, if need mo ba sa hospital etc. kaya need mo ng constant communication sa OB mo. Get well soon! ❤️❤️
Magbasa pa20 weeks. 14 days kami ni husband sa quarantine facility. But binabayaran un facility na un daily, parang hotel. Nun nag check-out kami nun, may 2 negative swab test na ko. Nun naka quarantine ako, everyday magkausap kami nun OB ko, ENT. Pag may lumabas na symptoms sakin ng covid or may nireklamo ako sa pregnancy ko na unusual, then itatakbo na ko ng hospital na confine na talaga.
you have to inform your OB para makapagplan kau or she can refer you to another OB na nagpapaanak ng cov.id positive. ako kasi negative result pero niready na ko ni OB ma di ako manganganak dun sa ospital kung san kami nagkikita if nagpositive ako. lipat kami ospital pero siya pa rin magpapaanak sakin, NSD or CS.
Magbasa pasame tayo momsh asymptomatic positive din ako kbuwanan ko na 😭😭😭😭 gusto ko lying in manganak pero nid ko dw muna tpusin ang 14 days quarantine ksi kung manganganak dw ako ng nd pa tapos quarantine ko ospital dw ako un ang pina ka ayaw ko 😭😭😭😭😭💔💔💔💔😓😓😓😓😓
Same po tayo 😭. kbwanan ko na. pero napostive ako sa swab test wala din ako symptoms . diko alam saan ako manganganak nito . dahil wala na hospital tatangap sa akin 😭😭🥺🥺🥺. baka my ma e suggest kayo help me huhu.. super stress na ako
same case po tinanggihan din ako ng OB ko after ko magpositive sa rapid test. suggest ko po ask kau help sa city health office sa lugar nyo para marefer kau kung saan hospital pwede manganak.
hi momsh pag asymptomatic mas ok na mag self quarantine po kayo ng 14 days.. wag ka muna lumabas ng room mo..kain ka ng masustansyang pagkain.. mag patest ka ulit after 14 days sana maging okay ka.. good luck po.
momshie same here 😥😥 asymptomatic din ako lahat na family ko nag pa test then ako lng nag positive 2 cm na ko worried ako kasi hindi daw ako tatanggapin sa hospital ng ob ko 😥😥😭
thank u momshie ... uulitin daw yung swab ko ng sept 1 ... hopefully maging negative na
Me, nag positive ako. You need to Isolate yourself na din since positive ka and kung no symptoms mas okay din. Pinag repeat swab ako ng OB ko after 1 week and 4 days kasi due ko na din.
wala po akong symptoms din, waiting nalang ako sa result ng repeat swab ko mamaya.
nagpositive din ako. niresetahan ako ng ob ko ng antibiotic while im on isolation.. then nagnegative nako after reswabbing..asymptomatic also and im on my 21 weeks of pregnancy
Update mga mommy! I took a 2nd test from other private hospital and the results turned out negative! Thank You, Lord! 🙏❤️
Mother of 1 naughty superhero