Antibiotic pra sa infection sa ihi

Hi mga mommies mag ask sana ako gaano po ba katotoo na ang pag inum ng antibiotic ay may masamang epekto sa kalusugan ng baby? Natatakot kasi ako at kinakabahan,pro nireseta naman kasi ni Doc un kaso lang dami akong naririnig na nakakasama daw kasi ang antibiotic sa baby..iniisip ko din baka mali lang din ung lab sa result kasi naman nung araw na mag submit ng ihi di ako maihi tapos pa patak patak lang kaya un pabalik balik ako sa CR pra lang malagyan ung lagayan ng ihi naka 3 balik yata ako.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mi sa OB ka maniwala hindi sa sabi sabi ng iba. Di naman sila magrereseta ng makakasama sa baby. Mas delikado sa baby pag di nagamot ang infection kasi maaring mahawa si baby pag labas nya. Ganun nangyari sa kasabay ko manganak. Di nagamot infection nya paglabas ng baby nya nahawa kaya ginamot pa baby nya bago makalabas ng hospital. Mas napagastos pa sila. Kung sa tingin mo po mali yung lab result pwede mo ipaulit pero wala kasing connect yung pagpabalik balik mo sa CR kaya namali.

Magbasa pa
3y ago

Pwede ka naman po umulit for your peace of mind po.