WORRIED 😟

Mga mommies like me.. plss help me po🥺 Normal lang po ba maglagas ang buhok pag nanganak? 5months na po kami ng baby ko this coming february 26. Lagi ko nalang kasi napapansin na tuwing magsusuklay ako at bagong ligo ang daming nalalagas na buhok ko.. ako lang po ba ang ganito? #pleasehelp #1stimemom #advicepls

WORRIED 😟
47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Normal yan momsh, Hinihintay q na nga lang makalbo aq 😅 pero tumutubo pa naman cla ulit, what I did was I decided to cut my hair short, I used Pantene anti hairfall shampoo and conditioner then and I also used ung malalaking ngipin na suklay. Thats my practice til now mejo ok naman na I notice na konti nlng hairfall q.

Magbasa pa

sa akin 3rd baby ko matinde hairfall ko. kahit sobrang kapal ng buhok ko, worried ako sa nalalagas sa akin. sa pagshampoo pa lang dami na hanggang pagsuklay dami pa rin nako-collect ko. kung kelan ilan months na si baby saka dumami hairfalls ko 😔. Iniisip ko na lang na normal sya para di ako masyado worried

Magbasa pa
VIP Member

Para po saakin, normal po. kasi ganyan din po ako nung pagkapanganak ko sa first born ko. Meron pa nga ibang napapanot. Sabi po nila, one sign of binat din po. Suggest lng po, wag nlang muna masyado suklayin lalo pag basa pa ang buhok. Let it dry first, air dry lng po. Wag iblower. Ingat lagi Mommy.

Postpartum hair loss can set in any day after your baby arrives, and it sometimes continues as long as a year. It usually peaks around the 4-month mark, so if your baby is a few months old and you're still losing clumps of hair, that doesn't mean it's time to panic!

normal yan momy. ang ginawa ko nag panteen anti hair fall shampoo ako and every other day lang shampoo. i also used cream silk anti hairfall. nakatulong naman. from 3 mos to 5mos ako naglagas. bago mag 6 mos si baby, wala na. the normal na paglalagas na lang uli.

para sa akin hindi normal, oo nga dahil sa hormones natin, pero paano kung pakalbo na, aba syempre alarming na diba, sa akin po kung maniwala kayot sa hindi nakakatulong ang pagkain ng malunggay yun lang. proven and tested sa akin.

normal po...nagpagupit ako ng maiksi kasi mas nakaka panlumo tignan kapag mahaba yung buhok at marami nalalagas. pa 5months ba baby ko sa monday. mas nagkakabuhol din kapag long hair kaya mas marami talaga napiputol din na hair

Normal po pero to help lessen it maybe try to use hair clamp instead of hair tie pag tinatali mo buhok mo.. and gamit ka ng wet/detangling brush, yong may malalaking ngipin.. suklayin mo buhok mo bago lumabas sa banyo.

VIP Member

ganyan din ako mamsh. ang ginagawa ko, pagkatapos maligo di muna ako nagsusuklay. Hinayahayaan ko mag air dry yung buhok ko tapos kapag tuyo na saka ko susuklayin. less paglalagas kapag ganon ginagawa ko.

its normal, wag ka nlng magsuklay after maligo, patuyuin mo nlng hair mo tapos pag tuyo na suklayin mo lng ng kamay mo wag ka na muna gumamit ng suklay.. every other day ang pag shampoo.