Rant

Hi mga mommies, labas ko lang yung frustrations ko. Naiinis ako na hindi kk maintindihan. Hanggang ngayon kasi takot pa rin sa tubig ang baby ko mag 3 months na siya, feeling ko dahil yun sa pamahiin bawal daw maligo ng Tuesday at Friday, hanggang ngayon di pa rin siya nasasanay sa tubig. Tapos kapag masarap ang tulog ni baby 8:30 sya magigising kasi nag dede siya ng 6 am, lagpas 8 na daw bawal na liguan ? pati yung kinabag si baby ng umaga bawal pa rin daw liguan pati kinabukasan. Naiiyak na lang ako sa inis. Masiyadong mapamahiin wala naman sa lugar minsan.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Everyday po dapat ang paligo kay baby, yung sa first born ko sa province ako nanganak at nag stay wala naman nagsabi at nagbawal paliguan ang baby ko everyday. Baka lalo lang magkasakit si baby kapag di everyday papaliguan kasi madali syang kapitan ng germs. Sa panahon pa naman ngayon na mainit iritable sila kaya paliguan nyo po. Wala din sa oras yun itong 2mos old baby ko madalas hapon ko na paliguan.

Magbasa pa
VIP Member

That's normal sa baby. Sabi ko nga mas lalong maiiritate ang baby kung yung aura ni mommy is negative. And wag magpadala sa mga pamahiin na ganyan kasi minsan hindi naman nakakatulong. And pwede mo naman sya paliguan kahit past 8am na, tapos ipainit after.