Mga mommies kung bubuksan ang puso nyo ngayon ano kaya ang makikita namin dito at bakit ? :)

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung bubuksan mo ang puso ko ngayon makikita nyo ang pamilya ko sila ang pangunahing insperasyon kung bakit ako andito sa mundong ibabaw. Sila ang pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob para lumaban sa araw araw at lalo na source ng happiness ko lalo na pag nakikita ko silang masaya . Buong puso ko silang paglilingkuran , ipaglalaban at mamahalin habang akoy nabubuhay.

Magbasa pa

Wow deep question! :D Sa puso ko...ang makikita niyo... happiness and worry. Pero ganyan naman talaga tayong mga mommies - happy to see our family happy and well taken care of, but we also worry constantly

Wow pang Miss U po ang tanong na ito! Ang laman ng puso ngayon ay pagmamahal sa aking anak at asawa kasama nito ang mga pangarap namin sa buhay. I thank you.

Aww! Makikita mo ang mga anak ko since sa kanila talaga umiikot ang life ko. They are my reason for living, my strength and my weakness, all in na.

ang laman ng ❤ ko pag binuksan....walang iba kundi ang nag iisa kong 👶....sya lang at wala ng iba...