Need your opinion po

Hi mga mommies! I’m a first time mom, post partum 11 days. Yung partner ko kase for 12 years, okay kami noon. He treated me well nung mag bf and gf kami even when we lived together and pregnant ako okay na okay kami. May business sya and business owner din ako. I can say sya talaga provider namin dito. Kaso yung business nya requires 24/7 monitoring :( I understand naman na kailangan nya gawin yun for us. Pero hindi ko talaga nakikitaan na ready sya maging dad for baby? Walang time, kahit 1 hour man lang na undistracted. Matatapos meeting 1am tulog kami ni baby, and then pag umiyak si baby, ayaw ko naman gisingin kase may work sya tomorrow. Even on sundays, kahit kunin nya man lang samin ng mom ko yung baby, di nagkukusa. Pero I can see na love nya si baby, pumupunta sya samin from time to time. Pero di pa nag sisink in sa kanya na iba na yung routine namin and hindi na tulad noon. What to do? Anong pwede nya gawin? Gusto ko na sya kausapin pero I dont know what to say eh. Or where to start. Hindi ko alam kung post partum depression to pero im starting to think na hindi kami for each other ☹️ I talked to my parents and sister, bigyan ko lang daw ng time baka nagaadjust. Pero I know him eh. I jujustify nya yung mga actions nya sa lahat ng sasabihin ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello kumusta na?

4y ago

Hi po! Things are getting better po. Hindi pa 100% percent adjusted. Every Sunday pinapauwi ko muna yung mom ko para kaming dalawa magpartner lang mag alaga kay baby. Makita nya yung daily routine namin na hindi easy. Kailangan ko lang po talaga syang dadaan pero we are communicating well po for our baby, atleast for now po. Thanks po sa pag kumusta.