Masakit na sikmura at likod

Hello mga mommies. I'm on my 28weeks na at ngayon nakakaramdam po ako ng sobrang sakit ng likod paikot sa sikmura ko. Actually kahapon pa po ito nangyari sakin mga 7:30pm uminom ako Gaviscon kasi feeling ko sasakit sikmura ko. Then after ilang mins nung pauwi kami nararamdaman ko na sumasakit na likod ko tas paikot na nyan sa sikmura ko. Pag uwi namin inatake na po ako masakit na talaga tas nahihilo na ko. Nag suka din ako mga 3 beses ata. Hanggang sa pagtulog ko masakit. Tas nagigising ako madaling araw masakit pa din. Hanggang sa pag gising ko po ng umaga masakit pa din. Actually po until now 6:40pm masakit pa din po. Mag 24hrs na po nasakit. Inask ko OBGYN ko di sya nagrereply ng ibang pwedeng gawin kundi ipaadmit daw ako sa hospital. Iniisip kasi namin expense. Short din kami tsaka minsan tolerable naman ung sakit. Kaya di pa kami nag papaadmit. May alam po ba kayo way para maibsan ung sakit? Thank you po.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pa-ER na po kayo, madami po pwedeng panggalingan kung bakit hndi nawawala ang sakit. Naranasan ko na din po ung sumakit ung sikmura abot hanggang likod hindi pa ko buntis non, gallstones ang diagnosis po sakin. yung feeling ko po nun para kong kinakabag na hndi ko mawari at nagsusuka din . para po sa safety nyo at safety ni baby, wag na po kayo magdalawang isip magpunta hosp para mabigyan po kayo ng treatment. Getwell po.

Magbasa pa