pt

Mga mommies ilang weeks po delayed bago mag pt salamat mga mommies ❤ anyway regualar po ako pero sabe masyado daw po maaga pafa masabing buntis daw hays.. Pero postive naman

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan nangayari sa akin sis nagpa check up ako kasi a week delayed na ako. May history ako ng ovarian cyst so mas maigi nagpa trans V ako pero walang baby na nakita instead sinabi sa akin na cyst daw uli need na naman mag undergo ng surgery.. ayun nanlumo talaga kami ng husband ko. So nag reseta ang doktor ng provera para datnan ako pero malakas talaga ang instincts ng nanay kasi feel ko talaga baby sya.. Nag PT ako 3 times puro negative.. fast forward hindi talaga ako nag take ng nireseta sa akin kaya naghintay talaga ako kelan ako dadatnan kasi nga kapag regular ka naman meron madelay ka lang ng ilang araw matataranta kana agad, pero ok naman yung natataranta pero kumukonsulta naman sa doktor kesa pinapabayaan di natin alam eh.. so ayun naghintay na naman ako ng another month sa kakulitan naman ng mama ko kasi feel nya rin buntis talaga ako, she was the first one to know I was preggy with my first so nakinig naman ako medjo masunurin Dec 31,2019 nagulat ako 2 LINES || , positive!! inulit ko na naman ng test positive talaga so kinonfirm ko sa doctor the following week and I am 8 weeks and 5 days preggy! So happy kasi it turned out tama ang kutob ko and matagal na namin talaga plan na sundan ang panganay namin, 7 years din ang gap. So mommy advice ko sayo makinig ka sa sarili mo, wait and magpa konsulta Goodluck! ☺

Magbasa pa
6y ago

Thanks mommy godbless us po❤