Rainbow baby

Hi mga mommies! I just want to share my story.. dyan sa profile picture ko that’s my first baby. May 2019 nalaman ko na pregnant ako, Aug 16 i lost my baby. 17 weeks na kami. Naglabor ako agad.. sobrang sakit lalo na kung alaga naman ako sa lahat, vitamins, checkup, food etc. Hindi ko din alam ano nangyari pero siguro baka hindi talaga pra sa akin si baby. Always dn ako pabalik balik sa hospital dahil konting galaw ko bleeding ako.. last time na nag bleed ako sabi ng ob ko dapat maraspa, pero hindi nila ko maraspa kasi ok si baby inside me. Weeks passed nagiging ok na, until Aug 16 isang biglang masakit sa balakang at puson ko lang, we went to hospital agad and found out na at 17 weeks fully dilated na ko at pumutok na bag of water ko.. i’m so depressed that time, wala ako magawa to save him. Nangyari na ang nangyari, wala na talaga ang baby ko. After ko maraspa ng aug 16 december nagtataka ako dahil hindi na ako nagka period, feeling ko dahil para din akong nanganak kaya matagal bumalik ang period ko. Nag try ako mag pt dec 17! And IT CAME OUT POSITIVE! at first hindi ako naniwala, feeling ko baka may hormones pa ko ng buntis kaya nag popositive ako sa pt pero no pala.. nagpalipas ako 1 week bago ako nagpacheck up. Pagka ultrasound sakin, god is so good.. 8 weeks na pala akong pregnant!!! 2 mos napalitan agad ang baby ko. August ako nakunan 2019, Aug 2020 naman ang due date ko this time. Help niyo ko mga sis pray for us na sana this time wag na maulit uli ang nangyari. Natatakot ako pero nilalabanan ko lahat. Thank you lord for this gift. ? Ps: sorry po napahaba na. ?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

God bless po 🙏🙏🙏

6y ago

God bless din po 💖💖